LIST: Mga bagong pelikula na magpapainit sa unang buwan ng 2025
BAGONG taon, bagong aabangan sa big screen!
Ngayong Enero, mapupuno ang sinehan ng iba’t ibang klase ng pelikula—mula sa matitinding aksyon at nakakatawang komedya hanggang sa mga pelikulang puno ng drama at emosyon.
Narito ang ilan sa mga bagong pelikula ngayong buwan na siguradong magpapasigla sa iyong 2025:
Sonic the Hedgehog 3
Magbabalik sa big screen ang “Sonic the Hedgehog!”
Ang ikatlong kabanata ay mapapanood na sa January 15 kung saan makakasama na rin ni Sonic sa pelikula sina Knuckles at Tails.
Habang ang bagong kalaban ay si Shadow, ang mysterious villain na may kakaibang super powers.
Baka Bet Mo: ‘Superman’, ‘Karate Kid’, ‘Wolf Man’ bubuhayin sa taong 2025
Magbabalik ang all-star cast na sina Jim Carrey, Ben Schwartz, James Marsden, Tika Sumpter, Idris Elba, Colleen O’Shaughnessey, Natasha Rothwell, Shemar Moore, Adam Pally, at Lee Majdoub.
Ang mga bagong cast naman ng pelikula ay sina Ayla Brown at Krysten Ritter, pati na rin si Keanu Reeves na bobosesan ang karakter ni Shadow the Hedgehog.
Wolf Man
Kasabay ng “Sonic the Hedgehog” ang latest horror film ng Blumhouse, ang “Wolf Man.”
Isa itong reimagined classic monster na werewolf na pinagbibidahan nina Christopher Abbott, Julia Garner, Matilda Firth, at Sam Jaeger.
Ang kwento ay tungkol sa isang ama na bumisita sa kanyang childhood home kasama ang kanyang anak.
“A San Francisco husband and father, who inherits his remote childhood home in rural Oregon after his own father vanishes and is presumed dead. With his marriage to his high-powered wife, Blake persuades Charlotte to take a break from the city and visit the property with their young daughter. But as the family approaches the farmhouse in the dead of night, they’re attacked by an unseen animal and, in a desperate escape, barricade themselves inside the home as the creature prowls the perimeter. As the night stretches on, however, Blake begins to behave strangely, transforming into something unrecognizable, and Charlotte will be forced to decide whether the terror within their house is more lethal than the danger without,” saad sa synopsis ng Universal Pictures.
Tomorrow x Together: Hyperfocus
Exciting news sa K-Pop fans! Sa January 15 na rin showing ang K-Pop concert film ng TXT!
Pinamagatan itong “Tomorrow x Together: Hyperfocus,” isang immersive 4DX concert experience na handog exclusively ng Ayala Malls Cinemas, partikular na sa Greenbelt, U.P. Town Center at Bonifacio High Street.
Ang pagpapalabas nito ay limited lamang hanggang January 21.
“This unique event transports fans into a fantastical world where they can enjoy performances by Soobin, Yeonjun, Beomgyu, Taehyun and Hueningkai in breathtaking environments,” saad sa isang pahayag.
Multisaurs
Kung gusto niyo pa ng kakaibang experience, aarangkada rin sa Ayala Malls Cinemas ang “Multisaurs.”
Isa itong fully immersive, multi-sensory adventure na perfect sa mga tsikiting, pati na rin sa kids at heart.
Asahan ang prehistoric experience na para kang nakasakay sa time machine papunta sa panahon ng mga dinosaur kung saan may gagamitin ka pang “lighted bracelets” na maaaring mag-interact sa kwento.
Magsisimula ang kakaibang cinema experience na ‘yan sa January 17 hanggang April 16!
Anora
Dinala na sa Pilipinas ang highly-acclaimed American comedy-drama film na Anora.
Mapapanood ‘yan sa January 22 exclusively sa Ayala Malls Cinemas.
Tungkol ito sa isang sex worker na nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa isang mayamang lalaki.
“A young sex worker from Brooklyn, gets her chance at a Cinderella story when she meets and impulsively marries the son of an oligarch. Once the news reaches Russia, her fairytale is threatened as his parents set out for New York to get the marriage annulled,” kwento sa synopsis ng pelikula.
Ang mga bida riyan ay sina Mikey Madison, Mark Eydelshteyn, Yura Borisov, Karren Karagulian, at Vache Tovmasyan.
A Real Pain
Isa pang exclusive ng naturang movie house ay ang pelikulang “A Real Pain” na pinagbibidahan nina Jesse Eisenberg, Kieran Culkin, Will Sharpe, at Jennifer Grey.
Showing na ‘yan sa January 29 at narito ang pahapyaw ng bagong movie:
“Mismatched cousins David (Jesse Eisenberg) and Benji (Kieran Culkin) reunite for a tour through Poland to honor their beloved grandmother. The adventure takes a turn when the odd-couple’s old tensions resurface against the backdrop of their family history.”
Paddington in Peru
After seven years, muling masisilayan sa sinehan ang fictional young Peruvian bear na si Paddington!
Ang bagong pelikula ay pinamagatang “Paddington in Peru” na mapapanood na sa January 29.
Base sa pasilip, bumalik ang fictional bear sa kanyang hometown sa Peru upang hanapin si Aunt Lucy, ang tiyahin niyang oso na nagpalaki sa kanya.
Siyempre, ang kasama niya sa adventure ay ang pamilyang Brown na kumupkop sa kanya sa London.
Kung matatandaan, ang unang “Paddington” ay ipinalabas noong 2014, habang ang “Paddington 2” ay taong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.