Martin del Rosario nag-ala serial killer sa Halloween, binatikos ng netizens | Bandera

Martin del Rosario nag-ala serial killer sa Halloween, binatikos ng netizens

Therese Arceo |November 01,2022
facebook
share this

Martin del Rosario nag-ala serial killer sa Halloween, binatikos ng netizens

Therese Arceo - November 01, 2022 - 03:26 PM

Martin del Rosario nag-ala serial killer sa Halloween, binatikos ng netizens
UMANI ng pambabatikos mula sa netizens ang naging Halloween costume ng Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Ito ay matapos gayahin ng aktor ang American serial killer na si Jeffrey Dahmer na pumatay ng 17 kalalakihan noong 1978 hanggang 1991.

Nitong October 31, ibinahagi ni Martin ang kanyang “Dahmer-inspired” photo sa Instagram.

Agad namang inulan ng mga komento mula sa netizens ang naturang post dahil sa pagiging “insensitive” ng aktor sa pagbibihis bilang serial killer.

“Ang layo actually sa mukha ni Dahmer, kung di ko binasa ang caption, di ko malalaman ang outfit mo. Haha Pero man, sana iba na lang. Do better next time. Insensitive ka sa point na to,” saad ng netizen sa post ni Martin.

Sey naman ng isa, “Sana inulit mo nalang si Joker kaysa nag Dahmer. Very wrong ito! (Keri lang ma-bash ako ng fans mo for stating this) If sa tingin niyo, ok lang ang Dahmer as costume, paki Google nalang kung bakit hindi yun okay. Di ko responsibility mag explain.”

“Ano to? Another PR kasi hindi matunog name? This is so insensitive not just for the victims of dahmer but for the black community and the queer community,” pagpuna naman ng isa kay Martin.

Dagdag naman ng isa, “Alam mo okay lang sana yung fictional characters katulad ni Dracula, Chucky or Frankenstein. Pero yung mag costume ka ng totoong SERIAL KILLER. Ito sana makuha mo nga attention lahat ng tao, lalo na sa pamilya ng mga biktima na pinaslang ni Jeffrey Dahmer.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Martin Del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)

Matatandaang naging usap-usapan ang naturang serial killer noong Setyembre matapos maglabas ng Netflix ng series patungkol sa naging pagpatay nito na pinamagatang “Monster: The Jeffrey Dahmer Story” na ginampanan ni Evan Peters.

At matapos ngang kuyugin ng mga netizens ang kanyang post ay nagdesisyon si Martin na tanggalin ito.

Sa ngayon ay deleted na ang naturang larawan sa kanyang Instagram account maging ang iba pa niyang Instagram stories.

Related Chika:
Epy Quizon, Martin del Rosario ibinandera ang ‘bida-kontrabida’ sa buhay nila…sino kaya?

Pekeng Martin del Rosario sa Facebook buking

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Martin del Rosario sinuwerte sa GMA, bayad kahit walang trabaho

Fans ni Alden gustong sapakin, sampalin si Martin del Rosario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending