Epy Quizon, Martin del Rosario ibinandera ang 'bida-kontrabida' sa buhay nila...sino kaya? | Bandera

Epy Quizon, Martin del Rosario ibinandera ang ‘bida-kontrabida’ sa buhay nila…sino kaya?

Ervin Santiago |July 08,2021
facebook
share this

Epy Quizon, Martin del Rosario ibinandera ang ‘bida-kontrabida’ sa buhay nila…sino kaya?

Ervin Santiago - July 08, 2021 - 01:17 PM

ITINUTURING ng award-winning veteran actor at comedian na si Epy Quizon ang kanyang mga magulang na mga “kontrabida” sa buhay niya.

Yan ang inamin ng ni Epy nang mag-guest sa Kapuso morning show na “Mars Pa More” kasama ang isa pa niyang co-actor sa upcoming live-action series ng GMA na “Voltes V: Legacy” na si Martin del Rosario.

Sa isang segment ng programa, natanong ang dalawang Kapuso stars kung sinu-sino ang mga matatawag nilang “kontrabida” ngunit mga angel pala talaga sa tunay na buhay.

Ayon kay Epy, “Ako madalas, kasi usually ‘yung mga kumokontra sa ‘yo, ‘yung palaging sinusuway ‘yung mga lahat ng gusto mo, ‘di ba, usually ‘yan ‘yung mga concerned sa ‘yo.

“Like your mom, ‘di ba? Number one ‘yung nanay ko,” pahayag ng aktor. Aniya, talagang kontrang-kontra ang nanay niya sa ilang interes at mga hobby niya.

“Tuwing sasakay ako sa motor ko, lahat ng ano…kumokontra sa akin. ‘Huwag kang nagmo-motor, ganyan.’ It’s because they don’t want you to get hurt. 

“So, lahat ng kumokontra sa ‘yo actually kadalasan malapit sa ‘yo ‘yan, mahal mo sa buhay,” paliwanag ng anak ng yumaong Hari ng Komedya na si Mang Dolphy.

Iba naman daw ang diskarte ng tatay niyang si Pidol pagdating sa pagdidisiplina sa kanya, “Ako, daddy ko naman, ‘Bahala ka.’ Pero kapag nagkamali ka naman, ‘O, sabi sa ‘yo eh.’ Ha-hahaha!”

Samantala, tulad ni Epy, kino-consider din ni Martin na “kontrabida” ang parents niya partikular na ang nanay niya na palaging inirereklamo ang pag-inom niya kasama ang mga kaibigan pagkatapos ay magda-drive siya pauwi.

Katwiran niya noon, hindi maiiwasan ang uminom siya ng ilang shots dahil co-owner siya noon ng isang bar at kailangan ito sa pag-entertain ng mga kaibigan at mga guests.

And true enough, nangyari nga ang kinatatakutan ng kanyang nanay, “Nagkaroon ako ng aksidente dahil nga nakatulog ako sa pagda-drive.

“After nu’n, talagang natauhan ako na hindi na ako magda-drive nang nakainom. So ayon. Nalaman ko naman na concerned lang sila (magulang) sa akin,” sabi ng Kapuso actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gaganap si Martin bilang si Prince Zardoz sa “Voltes V: Legacy” habang si Epy naman ang magbibigay-buhay sa karakter ng isa pang kontrabida sa serye na si Zuhl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending