Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon | Bandera

Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon

Pauline del Rosario |April 14,2023
facebook
share this

Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon

Pauline del Rosario - April 14, 2023 - 04:03 PM

Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon

PHOTO: Screengrab YouTube/Celine Dion

KAABANG-ABANG ang mga pasabog ng pop diva na si Celine Dion sa darating na Mayo!

Maglalabas kasi siya ng bagong album na pinamagatang “Love Again” na kapareho rin ng title ng kanyang upcoming film.

Tampok sa 14-track album ang lima pang bagong kanta na magiging soundtrack ng nasabing pelikula, pati na rin ang ilan pang hit songs na nakatakdang ilabas sa May 12.

Magugunita noong Pebrero, inanunsyo ng Columbia Pictures na mapapanood mismo ang legendary Canadian singer sa upcoming romantic comedy film na “Love Again” na kung saan ay inspired ang pelikula sa ilang hit songs nito.

Ayon sa pahayag ng pop diva, “I had a lot of fun doing this movie. And to have the privilege of appearing with the beautiful and talented actors Priyanka Chopra Jonas and Sam Heughan in my very first feature film is a gift that I will cherish forever.” 

“I think it’s a wonderful feel-good story, and I hope that people will like it, and like the new songs too,” Aniya pa.

Baka Bet Mo: Celine Dion na-diagnose ng ‘rare neurological disorder’, naiyak sa kanyang video message: It’s been really difficult for me…

Ang istorya ng pelikula ay iikot sa dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng random text messages.

Bukod kay Celine, pagbibidahan din ito ng Indian actress-producer na si Priyanka Chopra Jonas at Scottish actor na si Sam Heughan.

Ang “Love Again” movie ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa May 5.

Samantala, noong Disyembre lamang ay ibinalita ni Celine na hindi na matutuloy ang kanyang concert tour dahil na-diagnose siya ng ng isang “rare neurological disorder” na tinatawag na “stiff-person syndrome.”

Sabi pa niya, madalas siyang makaranas ng “spasms” o pulikat na nakakaapekto raw sa kanyang paglalakad, pati na rin sa pagkanta.

Nagsimula ang international concert series ni Celine na pinamagatang “Courage World Tour” noong 2019.

52 shows na ang natapos ng singer pero ang ibang naka-schedule ay nakansela dahil sa pandemya.

Ipagpapatuloy niya sana ang concert sa Pebrero, pero dahil sa kanyang health problems ay kinansela na muna ito.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Celine Dion bumilib din sa batang Pinoy na nakakuha ng standing ovation sa ‘AGT’

Pagpapatotoo ni Cherry Pie nang tamaan ng COVID: Masakit sa katawan, sa ulo, sa lahat…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending