Angelica Panganiban bigla na lang umiyak habang namamasyal sa Thailand kasama si Gregg Homan...anyare, ghorl? | Bandera

Angelica Panganiban bigla na lang umiyak habang namamasyal sa Thailand kasama si Gregg Homan…anyare, ghorl?

Ervin Santiago |July 20,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban bigla na lang umiyak habang namamasyal sa Thailand kasama si Gregg Homan…anyare, ghorl?

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 04:45 PM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

BIGLA na namang nag-iiyak ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban habang magkasama silang namamasyal ni Gregg Homan sa Thailand.

Medyo matagal-tagal na itong nangyari pero ngayon lamang ito nalaman ng madlang pipol dahil sa bagong vlog na in-upload ng magdyowa sa kanilang YouTube channel na The Homans.

Sa part 2 ng kanilang Thailand vlog makikita nga ang pag-iyak ni Angelica habang nasa loob sila ng sasakyan na mukhang pabalik na sa tinutuluyan nilang hotel.

Nang makita siya ni Gregg na lumuluha, agad siyang tinukso at tinanong kung bakit umiiyak na naman siya. Napapadalas daw kasi ang pagiging emosyonal ng aktres nitong mga nagdaang araw.

“Yan na naman po yung isang character niya. Di ko po alam kung anong pangalan nito eh. Bigla na lang siyang iiyak. Ba’t ka umiiyak?” tanong ni Gregg kay Angelica.

Sagot ng nagdadalang-taong aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend habang humihikbi, “Wala lang, ang saya ng buhay ko.”

Sey naman ni Gregg, baka raw akalain o isipin ng kanilang driver siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Angelica.

“Baka isipin nu’ng driver nag-aaway tayo. Di ka naiiyak dahil pauwi tayo?” hirit ni Gregg.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Sey naman ng aktres sa tatay ng kanyang magiging anak, “Iniisip ko kasi ang saya ng buhay ko. Parang wala lang…ang saya lang. So, Overwhelming lang yung happiness. Yun lang.”

Nagtungo sina Angelica at Gregg sa Thailand para doon mag-celebrate ng Father’s Day. Yun ang first trip nila sa ibang bansa na magkasama.

Kumain sila sa isang sosyalin at high-end na restaurant at doon nga ipinagdiwang ang una nilang Father’s Day bilang mag-partners.

Bumisita rin sila Chatuchak Weekend Market, ang itinuturing na largest market sa Thailand. Lumafang din sila roon nang bonggang-bongga at nag-window shopping din.

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa kanilang vlog na karamigan ay nagsabing sa wakas, natagpuan na nga ng aktres ang pinakahihintay na “forever” at ang “icing sa kanyang cupcake.”

“Well deserved Angge…so happy you found Gregg to share the happiness and contentment you’re looking for.”

“Congrats Angelica! Worth it ang lahat ng failed relationships. Finally, umiyak ka hindi dahil brokenhearted ka naman, super crayola ka because of happiness!”

“Angelica deserved the happiness she’s having now. God bless you and your family. Stay safe.”

“Literal na tears of joy. Hindi ako magsasawang sabihin na sobrang deserve niya ‘tong happiness na ‘to.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You deserve all the happiness Ms Angelica!!! Nang dahil sa story mo, I am inspired!”

Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending