Aegis excited sa Christmas concert, pero malungkot ang Pasko

Aegis excited sa Christmas concert, pero bakit kaya malungkot ang Pasko?

Pauline del Rosario |November 24,2023
facebook
share this

Aegis excited sa Christmas concert, pero bakit kaya malungkot ang Pasko?

Pauline del Rosario - November 24, 2023 - 03:33 PM

Aegis excited sa Christmas concert, pero bakit kaya malungkot ang Pasko?

PHOTO: Instagram/@aegisband.ph

NAGING emosyonal ang iconic rock band na Aegis matapos mag-open up tungkol sa papalapit na Pasko.

Inamin ng magkakapatid na lead vocalists na sina Juliet, Mercy at Ken Sunot sa isang press conference na malungkot ang selebrasyon nila ngayong taon dahil pumanaw ang kanilang ama kamakailan lang.

“Sa amin malungkot sa aming magkakapatid kasi…” biglang naiyak na pagsambit ni Juliet.

Patuloy na kwento ni Ken, “‘Nung August 1, nawala ‘yung papa namin. Pero ita-try namin na maging happy pa rin kami kahit wala na siya.”

Chinika rin ng magkapatid na laging present ang kanilang ama sa kanilang shows, lalo na’t kapag ito ay nagaganap sa Pilipinas.

At speaking of concerts, magkakaroon ng Christmas concert ang banda sa darating na December 20 sa Theatre At Solaire sa Paranaque City.

Baka Bet Mo: Aegis chinika paano alagaan ang boses: ‘Mina-microwave ang ice cream!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bagamat hindi na nila makakasama ang kanila ama ay titiyakin nila na makakapagbigay pa rin sila ng isang masaya at memorable na show para sa fans.

“Kailangan [maging happy] hindi puro nalang – siguro kasi three months pa lang po kasi. Pero sa concert, okay na okay na kami. Kailangan eh. Kapag nasa music ka naman, nag-iiba naman ‘yun eh,” paliwanag ni Juliet.

Ang concert ng Aegis ay pinamagatang “AEGIS: The Christmas Bonus Concert.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na haharanahan ng rock band ang kanilang fans kung saan aawitin nila ang ilang Christmas songs.

Bukod diyan, siyempre hindi mawawala ang ilang greatest hits ng kanilang banda.

Aminado ang banda na kahit matagal na sila sa music industry ay nandyan pa rin daw ang kanilang kaba sa tuwing sila ay magpe-perform.

“Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin po kami. Kahit 25 [years] na namin, parang bumabalik pa rin ‘yung dati na kinakabahan,” pag-amin ni Juliet.

Ang special guests nila sa upcoming show ay ang diamond-selling artist na si Jose Mari Chan at ang 15-piece orchestra na The Manila String Machine.

Mabibili ang tickets via Ticketworld outlets nationwide at official website.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by True Creators Studio Philippines Inc. (@truecreators.studio)

Pagkatapos ng kanilang concert, mukang may aabangan pa rin ang fans sa Aegis dahil nakatakda silang maglabas ng bagong album.

“Alam mo, gusto rin namin magkaroon ng bagong album lalo na 25th [anniversary] na namin ngayon. Siguro po abangan niyo nalang…baka 2024, next year po,” sagot ni Juliet matapos tanungin kung magkakaroon sila ng bagong album.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending