Aegis chinika paano alagaan ang boses

Aegis chinika paano alagaan ang boses: ‘Mina-microwave ang ice cream!’

Pauline del Rosario - November 24, 2023 - 12:02 PM

Aegis chinika paano alagaan ang boses: 'Mina-microwave ang ice cream!'

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

25 YEARS na ang iconic rock band na Aegis, pero wala pa ring pinagbago ang kanilang matataas na boses sa pagkanta.

Ano kaya ang kanilang sikreto?

Kamakailan lang, nagkaroon sila ng exclusive press conference para sa upcoming show nila sa darating na Disyembre at ibinunyag nga nila kung paano nila inaalagaan ang kanilang boses.

Ayon sa banda, disiplina lang talaga ang kailangan para ma-achieve pa rin ang iconic nilang mga boses.

Tulad ng chinika ng isa sa mga bokalista na si Juliet Sunot, lagi niyang iniinit ang ice cream sa tuwing kakain siya nito.

Baka Bet Mo: Chito ninerbiyos nang mag-perform kasama sina Ice at Moira: ‘Alam n’yo naman ang boses ko, parang nakalunok ng magaspang na bato’

“‘Yung boses, kailangang laging aalagaan. Walang ice cream,” sey niya.

Pagbubunyag naman ng kanyang kapatid at bokalista rin na si Ken, “Siya lang [si Juliet]. Mina-microwave pa niya [‘yung ice cream].”

Singit ni Juliet, “Para matikman ko lang ‘yung natikman nila.”

Kwento ng isa pa nilang kapatid at isa ring bokalista ng banda na si Mercy, “Ganyan si ate. Pag kami naman, pag wala kaming show, pwede kaming kumain ng ice cream, pero siya [si Juliet] hindi.”

Depensa naman ni Juliet, “Ako pwede. ‘Yun lang, iniinit ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasunod niyan ay ibinahagi na rin ng grupo ang kanilang sikreto para tumagal sa music industry.

Ayon sa kanila, isa sa mga importante ay ‘yung pagkakaroon ng malaking respeto sa bawat isa.

Pero siyempre, malaking factor din daw ‘yung kanilang fans na patuloy pa rin silang sinusuportahan.

“Siguro nararamdaman namin na gusto pa kami ng tao,” sambit ng bass guitarist na si Rowena Adriano.

“Habang andyan sila, andito pa rin kami para sa kanila,” ani pa niya.

Tugon ng drummer na si Vilma Goloviogo, “Kailangan ng mahabang pasensya para magkaroon ka ng grupo.”

Kasabay nito ay nagbigay ng advice ang banda para sa mga aspiring music artists na nais ding magkaroon ng marka sa nasabing industriya.

“Kapag gusto mo ‘yung ginagawa mo, love mo siya, huwag mo sukuan kasi pana-panahon ‘yan eh. Darating ‘yung tamang panahon para sa’yo. Basta’t kapag meron kang gusto, gawin mo at kailangan ay talagang gusto mo,” saad ni Rowena.

Tugon ni Juliet, “Tsaka tiyaga lang talaga.”

Sumang-ayon naman agad sa kanya ang bass guitarist at sinabing, “Oo ‘yun kailangan talaga ‘yun kasi hindi naman lahat madaling kunin. Pero pag may dumating man na hindi maganda, asahan mo na may darating din na maganda para sayo.”

“Huwag mawalan ng pag-asa. Pag may tiyaga, may nilaga,” ani naman ni Mercy.

Advice naman ng keyboardist na si Stella Pabico, “Tsaka disiplina lang talaga pagdating sa gusto mong kumanta, like…8 hours of sleep.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At dahil nga 25 years na ang Aegis, ipagdidiwang nila ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang Christmas concert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinamagatan itong “AEGIS: The Christmas Bonus Concert” na magaganap sa Theatre At Solaire sa Paranaque City sa darating na December 20, 8:00 p.m. onwards.

Ang special guests nila ay walang iba kundi ang diamond-selling artist na si Jose Mari Chan at ang 15-piece orchestra na The Manila String Machine.

Mabibili ang tickets via Ticketworld outlets nationwide at official website.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending