Chito ninerbiyos nang mag-perform kasama sina Ice at Moira: 'Alam n'yo naman ang boses ko, parang nakalunok ng magaspang na bato' | Bandera

Chito ninerbiyos nang mag-perform kasama sina Ice at Moira: ‘Alam n’yo naman ang boses ko, parang nakalunok ng magaspang na bato’

Ervin Santiago |February 06,2023
facebook
share this

Chito ninerbiyos nang mag-perform kasama sina Ice at Moira: ‘Alam n’yo naman ang boses ko, parang nakalunok ng magaspang na bato’

Ervin Santiago - February 06, 2023 - 08:03 AM

Chito ninerbiyos nang mag-perform kasama sina Ice at Moira: 'Alam n'yo naman ang boses ko, parang nakalunok ng magaspang na bato'

Ice Seguerra, Chito Miranda at Moira dela Torre

AMINADO ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na inatake siya ng matinding nerbiyos nang maging guest sa concert ni Moira dela Torre nitong nagdaang weekend.

Ayon sa OPM icon, ito ang unang pagkakataon na makakasama at makakapag-perform siya sa isang stage kasama si Moira at ang isa pang award-winning performer na si Ice Seguerra.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Chito ng isang video na kuha sa katatapos lang na major concert ni Moira sa Araneta Coliseum.

In fairness, base sa napanood naming video ay talagang hiyawan at palakpakan nang bonggang-bongga ang audience nang biglang sumulpot sa gitna ng stage si Chito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Sa totoo, sobrang kabado ako…isipin nyo, kasabay ko kakanta si Moira at si Ice,” ang simula ng caption ng singer-songwriter sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa ni Chito, “Marahil alam nyo naman siguro kung gaano kaganda yung mga boses nila, habang yung boses ko, ayon na mismo sa Auntie ko, ay parang nakalunok ng magaspang na bato na hindi na natanggal sa lalamunan.

“Sa sobrang kaba, hindi ko napansin na niloloko pala ako ni Ice (sorry Kuya Ice! Di ko talaga narinig), at hindi ko mapigilan yung kuyakoy ng binti ko habang kumakanta,” chika pa ng husband ni Neri Miranda.

Saad pa ni Chito, “Mabuti nalang, never pinaramdam ng mga fans ni Moi na wala akong karapatan to be up there with Moi and Ice. It was such an amazing experience.

“Congrats ulit, Moi!!! Sobrang galing talaga ng ginawa mo. You knew exactly what you wanted, at sobrang tapang na pinanindigan mo gawin yung gusto mo, regardless of what others wanted (or expected) you to do.

“Ikaw ang tunay na rakenrol…and I’m so proud to be your Kuya.

“Maraming salamat sa pag-imbita. (Salamat sa mga nag-tag sa akin ng IG stories nila…ginamit ko po yung mga videos ninyo),” ang mensahe pa ni Chito kay Moira na ang sexy-sexy na ngayon.

Chito Miranda inabot ng ‘dinner’ sa pakikipagchikahan kay Moira: Sooobrang daldal!

Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending