Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses | Bandera

Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses

Ervin Santiago |March 02,2022
facebook
share this

Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses

Ervin Santiago - March 02, 2022 - 07:38 AM

Gigi de Lana

ANO nga ba ang sikreto ng Kapamilya singer at aktres na si Gigi de Lana at parang hindi siya napapagod sa kakabirit tulad ng idol niyang si Asia’s Songbird  Regine Velasquez? 

Nag-share si Gigi ng ilang detalye kung paano niya iniingatan ang kanyang boses sa online presscon para sa kanyang upcoming concert na “Domination”.

Ayon sa dalaga, super practice at pahinga lamang ang kanyang ginagawa para mapanatiling mataas ang kanyang singing voice.

“Actually, napahinga talaga ‘yung boses ko ngayon. Pinahinga ko siya totally. Paano ko siya inaalagaan? Actually mali na sabihin ko ‘to kasi hindi ko siya inaalagaan.

“Yung iinom ka ng salabat, ‘di ako naniniwala roon. Para maingatan mo ‘yung boses mo is maintain. I-maintain mo ‘yung pagkanta mo, vocalize ka, practice ka ng proper technique,” pahayag ni Gigi.

Paliwanag pa niya, “Kasi ‘yung mga iniinom inom na ganyan, I don’t believe in that kasi hindi siya nagwo-work for me. Pero you should rest, at inom ng tubig, ‘yun talaga. Practice kayo everyday.”

Samantala, nagkuwento rin si Gigi tungkol sa ginagawa niyang preparasyon pati ng kanyang bandang Gigi Vibes para sa kanilang concert. 

“Ngayon po, inaareglo namin ‘yung mga songs and this time, kasi ‘di ba kapag nagpe-perform kami digitally, ‘yung mga songs namin ay ‘yung usual songs namin. Pero this time meron kaming something new na ibibigay sa inyo sa concert namin na Gigi Vibes. Kaya abangan niyo po ‘yan,” sey ni Gigi.

Ngayon pa lang ay super excited na silang mag-perform nang live para sa lahat ng kanilang fans, “Gusto ko silang makantahan. Gusto ko silang makwentuhan. Alam niyo ‘yun. 

“And gusto kong ibahagi sa kanila ‘yung part ng buhay ko, ‘yung part ng puso ko. And I really, really want to inspire many people lalo na sa pinagdaanan namin ng buong team ng Gigi Vibes.

“Nilu-look forward ko ‘yung feeling na makakantahan ko ‘yung mga tao. ‘Yung matitingnan ko sila sa mga mata nila, na makekwentuhan ko sila habang kumakanta ako. 

“‘Yun ‘yung best feeling kapag kumakanta ako, ‘yung kapag nakikita ko ‘yung expression ng mata mo, parang naiintidihan mo rin kung ano ‘yung sinasabi ko,” chika pa ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumusuporta at tumatangkilik sa kanilang banda, “Very thankful, sobrang thankful po. Kasi sabihin na natin na hindi naman po kasi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity. Tsaka ‘yung blessings na nangyayari, na binibigay sa amin ngayon are all hard work and right timing din talaga.”

Ngayong March 5 na magaganap ang “Gigi De Lana and The Gigi Vibes: Domination” live concert sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang kauna-unahang live show mula sa ABS-CBN Events na magkakaroon ng audience sa venue mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.

Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending