MMFF 2023 REVIEW: 'Firefly' tagos sa puso

MMFF 2023 REVIEW: ‘Firefly’ tagos sa puso, Dingdong nagpaiyak sa ending

Ervin Santiago - December 23, 2023 - 10:58 AM

MMFF 2023 REVIEW: 'Firefly' tagos sa puso, Dingdong nagpaiyak sa ending

Euwenn Mikaell at Alessandra de Rossi

ILANG beses kaming napaiyak habang pinanonood ang “Firefly“, isa sa 10 official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2023.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang pelikula bago ito mag-showing sa December 25 sa ginanap na special advance screening nito sa kamakailan na ginanap sa SM The Block cinema.

Isa itong family drama-fantasy na pinagbibidahan Nina Alessandra de Rossi, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix at ang child star na si Euwenn Mikaell, mula sa direksyon ni Zig Dulay. Kasama rin dito sina Cherry Pie Picache, Max Collins, at Kokoy de Santos.

Simple lang ang kuwento ng “Firefly” na iikot sa samahan ng mag-inang Elay at Tonton played by Alessandra and Euwenn pero napakalakas ng impact nito sa mga nakapanood sa premiere night lalo na ang plot twist sa bandang ending.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa start pa lang ng pelikula ay mararamdaman na ang puso ng kuwento dahil nga sa nakakaantig at kumukurot sa pusong pagmamahalan ng magnanay na sina Elay at Tonton.

Siguradong maraming ina ang makaka-relate sa karakter ni Alessandra lalo na yung mga magulang na ginagawa ang lahat para maiparamdam sa kanilang mga anak ang kanilang unconditional love.

Inaasahan na namin ang galing ni Alex sa movie dahil talaga namang isa siya sa mga great actresses sa kanyang henerasyon at in feyr, kering-keri niyang gumanap na nanay kahit never pa siyang nagkaroon ng anak in real life.

Ganu’n din ang gumanap na anak niya sa pelikula na si Euwann na talagang pinaiyak din ang manonood dahil sa mga madadrama niyang eksena, lalo na yung nabuking na ang itinatago niyang sikreto sa loob ng kanyang bag.

Ito kasi yung pagkakataon kung saan magkakaalaman na kung ano talaga ang pakay ni Tonton sa pagpunta sa kuweba ng mga alitaptap na palaging ikinukuwento ng kanyang nanay.

Baka Bet Mo: Cherry Pie move on na sa breakup nila ni Edu: We’ll always love each other

Hindi na namin masyadong idedetalye ang istorya ng “Firefly” dahil baka mabanggit pa namin ang unexpected plot twist ng movie at akusahan n’yo akong greatest spoiler.

Anyway, maghahatid naman ng kilig ang Kapuso loveteam na sina Miguel at Ysabel sa pelikula na tutulong kay Tonton na tuparin ang kanyang pangako sa nanay niyang si Elay.

Pero nabitin lang kami sa mga eksena nina Miguel at Ysabel dahil hindi masyadong nabigyan ng focus ang mga pinanggalingan ng kanilang mga karakter. Sana’y dinagdagan pa ang kanilang pakilig moments.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa pa sa iniyakan naming eksena ay ang reunion ng mga karakter nina Epy Quizon at Yayo Aguila bilang mag-asawa matapos makulong nang matagal ang una. Hindi masyadong madrama ang eksena pero tumatagos sa puso.

Baka Bet Mo: Alessandra hindi nahirapang gumanap na nanay sa MMFF entry na ‘Firefly’, humugot sa mga alagang bird

At kahit special participation lang siya sa “Firefly”, nagmarka at pinalakpakan din ng mga manonood ang mga eksena ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Crayola (read: cry) rin kami sa muling paglabas ng karakter ni Dong sa bandang ending ng pelikula bilang old Tonton. Siya rin ang nagsilbing storyteller sa kuwento ng “Firefly” kaya bidang-bida rin siya sa movie kahit guest appearance lang siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin kami binigo ni Direk Zig sa paglalahad niya ng makabagbag-damdaming istorya ng “Firefly” dahil sa tagos sa pusong kuwento nina Elay at Tonton. Siya rin ang nasa likod ng hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra”.
Ito’y mula sa panulat ni GMA Public Affairs Senior AVP Angeli Atienza, at nagsilbi namang cinematographer ang award-winning na si Neil Daza.

Mapapanood na simula sa December 25 ang “Firefly” mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs. Ito ay Rated PG ng MTRCB.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending