Whamos Cruz pumalag sa vlogger na pumuna sa party ng anak

Whamos Cruz pumalag sa vlogger na pumuna sa bday party ng anak

Therese Arceo |January 27,2024
facebook
share this

Whamos Cruz pumalag sa vlogger na pumuna sa bday party ng anak

Therese Arceo - January 27, 2024 - 12:17 PM

Whamos Cruz pumalag sa vloggers na pumuna sa bday party ng anak

Whamos Cruz

TILA hindi nagustuhan ng social media personality na si Whamos Cruz ang mga komento ni Christian Merck Grey sa first birthday ng kanyang anak.

Isang video ang inilabas ng partner ni Antonette Gail sa social media bilang sagot sa mga comment ni Merck.

“Ano bang naging [atraso] ko sa ‘yo? Bakit lahat na lang ng…Pre, opinyon mo? Sana ‘yung opinyon mo, tsinat mo ko. Mag-oopinyon ka lang, kailangan mo pa bang i-post sa social media?” panimula ni Whamos.

Aniya, hindi raw imbitado si Merck at ang asawa nito ang invited ni Antonette pero ito pa ang pumansin sa birthday ng anak.

Ang mga pinuna kasi ni Merck ay ang oras ng party ni Baby Meteor na ginanap ng gabi. Madalas daw kasi ng children’s party ay hapon. Bukod pa rito, pinuna rin nito na parang naging talent show ng kanilang pamilya ang naturang event.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz may pinaglalaanang investment, nilinaw na hindi naghihirap: Galing na ako sa hirap at ayoko na ulit doon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Paliwanag ni Whamos, gabi raw ang napagdesisyunan nilang simula ng party dahil alam nilang Filipino time ang pagpunta ng mga bisita at ganoong oras rin daw gising ang kanilang anak.

“Hindi porke children’s party kailangan laging hapon… May kanya kanya tayong gusto kung anong oras natin balak ganapin ang birthday party ng mga anak natin,” giit niya.

Sumunod rito ay dinipensahan niya ang naging performance ng kanyang partner na si Antonette.

“Yung sayaw ni Antonette hindi lang para sa inyo, para sa anak namin ‘yun. So ano ‘yung reaksyon ko don? Kasi hindi ko rin naman alam na ‘yun ang sasayawin ng asawa ko. Hindi naman kayang mag-hiphop ng asawa ko. Hindi naman pwedeng mangyari na ‘yung sinayaw nya, ako ‘yung sumayaw. Mas pangit namang tignan ‘yun,” sey ni Whamos.

Dagdag pa niya, “Choice niya ‘yun kung ano ang gusto niyang sayawin at kung ano ang nasa isip n’yo, wala na po kami doon. Basta ang importante, naglaan ang asawa ko para sa birthday ng anak ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Humingi naman ng pasensya si Whamos sa mga taong hindi nagustuhan ang birthday ng anak.

“Una po sa lahat, kung nadismaya kayo sa sayaw ni Antonette, humihingi kami ng pasensya. Kung ano man ang kadismaya-dismayang nangyari sa event ng anak ko, pasensya na po sa inyo,” paghingi ng tawad ng social media personality.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending