Antonette Gail pumalag sa bashers matapos ang 'Water' dance

Antonette Gail pumalag sa bashers: Make sure mas magaling kayong sumayaw sa ‘kin

Pauline del Rosario |January 25,2024
facebook
share this

Antonette Gail pumalag sa bashers: Make sure mas magaling kayong sumayaw sa ‘kin

Pauline del Rosario - January 25, 2024 - 09:22 AM

Antonette Gail pumalag sa bashers: Make sure mas magaling kayong sumayaw sa 'kin

PHOTO: Facebook/Antonette Gail

LALONG pinag-initan ng bashers at haters ang social media star na si Antonette Gail!

‘Yan ay matapos siyang pumalag dahil sa ibinandera niyang practice video sa Facebook pagkatapos ng bonggang performance niya sa birthday ng anak nila ni Whamos Cruz na si Baby Meteor.

Caption niya sa post, “WALANG MUNTIK MASUBSOB VERSION.”

Tulad sa viral video niyang “Water” dance cover na ipinost ng kapatid ni Whamos na si Awit Gamer ay marami pa rin ang hindi natutuwa.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES

Dahil diyan, hindi na nakatiis ang social media star at sinagot na niya ang mga ito.

Sey niya, “Mga basher ko make sure mas magaling kayong sumayaw sakin ha HAHAHAHA”

Umabot sa mahigit isanlibo ang napa-HAHA reacts at marami rin ang nag-reply sa kanyang komento kung saan iginiit ng haters na tila wala sa lugar ang ginawa ni Antonette.

May iilan din na nagpaliwanag na wala namang mali sa isinayaw ng influencer, ang pino-point out lang daw nila ay kid’s party kasi ito.

Heto ang ilan sa mga nabasa namin:

“They don’t need to be skilled dancers, but having common sense is crucial. This kind of performance is inappropriate, especially considering it’s your son’s birthday, not a bachelorette party period [emoji].”

“‘Di po talaga kami magaling sumayaw. Pero ‘di po kami sasayaw ng ganyan sa birthday ng anak namin.” 

“Wala naman po problema sa pagsasayaw po. Ang problem is kids party ng anak mo pero bakit ganun sinayaw mo.”

“Imbes nagagalit ka bakitt hindi mo intindihin ‘yung pinopoint ng mga tao…’di tungkol sa pagsayaw mo bhieee tungkol to sa kung angkop ba ‘yung pagsayaw mo sa children’s party [laughing emoji].”

Magugunita na talagang pinaghandaan nina Antonette at Whamos ang unang birthday ng first baby nila kung saan dinaluhan ito ng mga content creators at mga kaibigan, pati pamilya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Engrande talaga ang selebrasyon na may temang “first trip around the sun,” pero naging agaw-eksena ang sexy dance performance ni Antonette na umani ng pamba-bash.

Marami ang nagsasabi na nabahiran ng “kalaswaan” ang sana’y wholesome na birthday party ng kanilang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending