Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas! | Bandera

Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

Therese Arceo |March 28,2023
facebook
share this

Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

Therese Arceo - March 28, 2023 - 10:38 PM

Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

NO chill ang social media personality at vlogger na si Antonette Gail del Rosario sa mga taong pinagti-trip-an ang kanilang anak ni Whamos Cruz na si Baby Meteor.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang screenshot ng comment ng isang netizen kung saan ipinatong ang cropped photo ng mukha ng kanyang anak sa katawan ng unggoy.

“Wala kang karapatang babuyin yung picture ng bata. Walang kinalaman yung bata para ganyanin mo at higit sa lahat, WALA KANG KARAPATAN DAHIL HINDI MO ANAK YAN!! GRABE NAKAKANGINIG KA NG DUGO,” galit na galit na sabi ni Antonette.

Aniya, wala namang kamalay-malay ang kanyang anak para pagtripan ito ng mga netizens.

“Kagaya ng sinabi ko di baling kami yung ganyanin ninyo wag lang yung anak ko!!! Sabagay kahit hindi naman kita patulan karma na yung bahala sa’yo,” saad pa ni Antonette.

Nagbanta pa nga ang social media personality at vlogger na talagang ipapakulong niya ang mga taong mambabastos sa anak nila ni Whamos.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES

“MAKAKITA PA TALAGA KO NG GANITO PAPARANAS KO SAINYO MAG HIMAS REHAS!!! Grabe kayo walang kinalaman yung bata kung ano ano pinag gagawa niyo!!!! Sinasabi ko sainyo na di baleng ako nalang anuhin niyo wag lang yung anak ko!!!!!” sey pa ni Antonette.

May video update rin ang first-time mom sa kanyang Facebook account at sinabing hindi pa rin tumitigil ang mga bashers at marami raw itong dummy account.

Ani Antonette, umiyak raw siya nang makita nito ang edited photo ng anak.

”Umiyak ako nung araw na yun, sobrang protective ko talaga sa baby namin… Sobrang nasasaktan talaga ako para sa anak ko. Kung gusto niyong mangganyan, okay lang kami, pero wag lang yung bata,” saad pa niya.

Sa ngayon ay gumagawa na raw ng hakbang sina Antonette upang matukoy kung sino nga ba ang tao sa likod ng pangbu-bully sa kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Antonette Gail Del Rosario (@aaaaagdr)

“Cyberbullying yan… Walang kamuwang-muwang yung bata. Kahit pa sabihin niyo picture lang yun, edited lang yun, anak ko pa rin yun,” giit pa niya.

Related Chika:
Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman!

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending