Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman! | Bandera

Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman!

Therese Arceo |January 26,2023
facebook
share this

Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman!

Therese Arceo - January 26, 2023 - 05:33 PM

Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman!

TULUYAN na ngang ipinakilala nina Whamos Cruz at Antonette Gail ang kanilang panganay na anak na si baby Meteor sa madlang pipol.

Sa kanyang video vlog na in-upload sa Facebook ay may pa-face reveal na ang social media personality sa kanilang healthy baby boy.

Makikitang aliw na aliw ang doktor sa anak nina Whamos at Antonette at puring-puri ito dahil napakaputi at napakatangos raw ng ilong nito.

“Ang ganda ng mukha!” sey pa ng doktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Whamoscruz (@masterwhamos)

Ibinahagi rin niya ang kanilang unang araw bilang first time parents at talagang napuyat silang dalawa ni Antonette sa pag-aalaga ng anak.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ni Whamos.

Saad ng isang netizen, “Ang pogi naman ng baby meteor na yan!”

“Congratulations Whamos and Antonette! Welcome to No tulog no ligo life but wonderful life,” komento naman ng isaz

Sey naman ng isa, “You were blessed with an angelic handsome kiddo. Be blessed all the way through. Now you’ve experienced how to be in a parenthood! Just remember love your wife and son endlessly and unconditionally. congratulations!”

Ikinuwento rin ni Whamos ang kanilang mga struggles sa pag-aalaga sa kanilang baby.

So ayan mga par, mahirap pala pero ayos lang. Siyempre si baby Meteor yan, kailangang pilitin. Kailangan nating alagaan ng mabuti ang batang makulit.

“Kailangan mo lang talaga siyang sabihan ng ‘mabait yan’… lalo na kapag dumedede siya,” pagbabahagi ni Whamos.

Sa kabila ng kanilang mga nadaramang adjustments sa bagong yugto ng kanilang buhay ay talagang masaya ang mag-dyowa sa blessing na ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon.

Related Chika:
Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Antonette Gail hindi natuloy ang operasyon nang isugod sa ospital: Thank you sa mga prayers ninyo

Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending