Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha? Bandera

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Therese Arceo |January 25,2023
share this

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Therese Arceo - January 25, 2023 - 04:54 PM

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?
MASAYANG ibinahagi ng social media influencer na si Whamos Cruz na ipinanganak na ng kanyang partner na si Antonette Gail ang kanilang panganay na anak.

Sa kanyang Facebook account ay uploaded ang vlog ng social media personality kung saan ipinasilip niya ang mga ganap nila sa ospital.

“So nandito na kami sa ER (emergency room) mga par. Magle-labor na si Antonette. Sure na sure nang lalabas si baby Meteor.

Makikita nga sa video na umiiyak habang nakahiga sa hospital bed ang kanyang partner at halatang hirap na hirap sa panganganak.

Maririnig rin ang lakas ng tibok ng puso ng kanilang anak sa video tanda na malapit na nilang makita at makasama ang kanilng baby.

“Actually, 9cm na siya so isa nalang hinihintay para ma-push na kasi kapagka-ano puwede siyang tubuhan sa likod, tube kung tawagin pero sabi ko ‘ayoko’, kailangan tiisin niya, so lintik ‘yung kaba ko ngayon,” pagkukwento ni Whamos sa sitwasyon ni Antonette.

Maya-maya ay nagpaalam na siya at ipinasok na sa delivery room habang inaantay na lang nila na mag-1 cm na lang siya para maging maayos na makalabas ang kanilang anak.

Labis naman ang kanyang excitement nang ibalita sa kanyang isinilang na si baby Meteor dahil naiwan siya sa labas.

“Nanganak na si Antonette. Makikita na natin siya. Ipapasok na dito sa room… Maraming salamat nga pala sa [Dr. Jesus] Delgado [Memorial Hospital]. Congrats mahal and congrats rin sa akin… Magkikita na kami ni Meteor,” sabi pa ni Whamos.

Dagdag pa niya, “Thank you, Lord. Unang unang kong pasasalamat si Lord at siyempre sa mga sumusuporta at nagdasal sa asawa ko, maraming salamat po.”

Ang sumunod na clip ay makikitang buhat-buhat na ni Whamos ang anak nila ni Antonette na si Meteor.

Tinuturuan pa nga ng doktor ang social media influencer kung paano niya bubuhatin ang anak na talaga namang napakaputi raw.

Hindi pa naman sigurado kung sino ang kamukha ni Meteor dahil wala pang face reveal sina Whamos at Antonette ngunit maririnig na puring-puri ng doktor ang tangos ng ilong nito na nakuha raw kay Whamos.

Related Chika:
Antonette Gail hindi natuloy ang operasyon nang isugod sa ospital: Thank you sa mga prayers ninyo

Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong

Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending