Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha
LABIS ang saya ng social media influencer na si Whamos Cruz at ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail de Rosario nang malaman na may bagong blessing na paparating sa kanilang relasyon.
Sa video na in-upload nito kahapon, June 20, nagsisisigaw at nagsasasayaw ang social media personality habang hawak hawak nito ang pregnancy test kits na may resultang positive.
“Masayang masaya ako, guys. Mula labas hanggang loob ng bahay namin kaya kong isigaw sa buong mundo na mayroon na kaming baby ni Antonette,” pagbabahagi ni Whamos.
Naiiyak naman sa saya ang girlfriend nitong si Antonette nang ibalita na magkakaroon na sila ng anak at magiging ama na ito.
View this post on Instagram
Nakiusap naman si Whamos sa mga netizens na sana ay maging masaya na lang ang mga ito para sa kanila.
“Sana maging masaya na lang tayong lahat kasi ako masaya. Sana huwag n’yo kaming i-bash guys,” dagdag pa niya.
Nag-comment naman ang self-proclaimed “Marites” na lalaking si Xian Gaza sa ibinalita ni Whamos.
“Jusko huwag naman sana niya maging kamukha ang bata in Jesus name,” comment ni Xian.
Dagdag pa niya, “Masaya ako kung magiging kamukha nung babae, parang yung anak ko. Huwag sana parusahan habambuhay yung bata juskolord kaawaan nawa.”
Mukhang iisa lang ang panalangin ng dalawa dahil nag-comment ang social media personality sa post niya.
“Yon nga din boss ehh ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko ang sagwa,” comment ni Whamos.
“Hahahahaha, I like you. Honest ka,” reply naman ni Xian.
Related Chika:
Xian Gaza binigyan ng P2k ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla
Geneva umalma sa chikang mas kamukha raw si BB Gandanghari sa ‘YFSF’ kesa kay Madonna
Arci Muñoz kamukha ni Angelina Jolie sa bagong pictorial; pinusuan ng BTS fans
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.