Xian Gaza binigyan ng P2k ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla | Bandera

Xian Gaza binigyan ng P2k ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla

Therese Arceo |April 07,2022
facebook
share this

Xian Gaza binigyan ng P2k ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla

Therese Arceo - April 07, 2022 - 05:37 PM

Xian Gaza binigyan ng P2k ang nagsabing kamukha niya si Daniel Padilla

PINATUNAYAN ni Christian “Xian” Gaza ang kanyang pagiging generous matapos siyang magbigay ng pera sa isang netizen.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang screenshot ng kanilang convo ng netizen na pumuri sa kanyang kagwapuhan.

“Pinakagusto ko sa isang tao eh yung honest,” saad ni Xian sa caption ng kanyang FB post.

Isang netizen kasi ang nag-direct message sa Instagram account ni Xian at sinabing kahawig niya sa kanyang larawan ang kasintahan ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.

“May hawig po kayo kay Daniel Padilla grabeeeee,” saad ng netizen.

Agad namang hiningi ni Xian ang GCash account ng naturang netizen.

Hindi naman makapaniwala ang netizen dahil nakatanggap siya ng P2,000 mula sa “Pambansang Marites na Lalaki”.

“OMG!!!!!!!!!!!! PANAGINIP BA ITO? WAAAAAAAAAH THANK YOU PO AGAD AGAD KUYA DJ,” pagpapasalamat ng netizen.

“2k for your honesty,” saad ni Xian.

 

 

Nag-send rin ang netizen ng screenshot ng kanyang account kung saan makikitang natanggap na nito ang perang ipinadala ng self-proclaimed Marites.

Muli namang tinanong ni Xian ang netizen kung sino ang mas kamukha niyang artista. Kung si Daniel Padilla nga ba o si James Reid.

Nag-send pa nga siya ng selfie sa netizen na tila nagpapapogi.

Sagot ng netizen kay Xian, “Daniel Padilla po syempre naman. Mula ulo hanggang paa yarn.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Umabot na ng 57k reactions at 1.4k shares ang kanyang Facebook post.

Bukod pa rito, marami rin sa mga netizens ang nag-comment kung sino pa ang kamukha ni Xian.

Ang ilan nga ay sinabing kamukha nito ang dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagkakapareha nila ng nunal sa mukha.

May nagsabi rin na kamukha niya ang komedyanteng si Ate Gay.

“Mawalan ka sana ng 2k today,” birong saad naman ni Xian sa kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
VP Leni kamukha raw ni Pinty Gonzaga, pero hirit ni Alex: Mas maganda kayo sa mommy ko!

Geneva umalma sa chikang mas kamukha raw si BB Gandanghari sa ‘YFSF’ kesa kay Madonna

Arci Muñoz kamukha ni Angelina Jolie sa bagong pictorial; pinusuan ng BTS fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending