VP Leni kamukha raw ni Pinty Gonzaga, pero hirit ni Alex: Mas maganda kayo sa mommy ko! | Bandera

VP Leni kamukha raw ni Pinty Gonzaga, pero hirit ni Alex: Mas maganda kayo sa mommy ko!

Reggee Bonoan |April 04,2021
facebook
share this

VP Leni kamukha raw ni Pinty Gonzaga, pero hirit ni Alex: Mas maganda kayo sa mommy ko!

Reggee Bonoan - April 04, 2021 - 09:36 PM

MAGKAMUKHA ba sina Vice President Leni Robredo at Mommy PInty Gonzaga?

Ito ang topic ni Alex Gonzaga sa bago niyang vlog sa YouTube na in-upload nitong Sabado, Abril 3.

Marami raw kasing nagtatanong kay Mommy Pinty kung siya si VP Leni dahil hindi siya kaagad nakilala dahil nakasuot siya ng face mask.

Aniya, “May mga nagtatanong nga sa eroplano kung ako si VP Leni kasi pareho raw kami ng mata.”

Kaya ipinarating ito ni Alex kay VP Leni, “Pero mas maganda kayo sa mommy ko, sinabi ko nga ‘yun sa kanya.” Humalakhak naman nang todo ang asawa nitong si Mikee Morada.
Habang kausap ni Alex ang ating bise presidente ay binidyo kol niya ang kanyang Daddy Bono at sinabing “may bago na akong mama.”

“Hi Daddy Bono, kumusta po,” bati naman ni VP Leni sa tatay ng TV host-actress-vlogger.

“Paampon ka na kay Vice,” sabi ng tatay ni Alex.

Hinanap ni Alex si Mommy Pinty at pagharap sa video call. “Hi Mommy PInty,” bati ni VP Leni.

“Mommy kakasabi ko lang kamukha mo si VP Leni hulas na hulas ka.  Hindi na ako uuwi,” sabi ni Alex sa ina.

“O sige, sa inyo na ‘yan, magugulo ang bahay n’yo,” say naman ng nanay niya.
“Kasi mommy by 3 p.m. paligo na siya (VP Leni), ikaw parang hindi ka pa naligo,” biro nito sa ina kaya  tawa nang tawa ang pangalawang mataas na opisyal ng Pilipinas.

At inamin ni VP Leni na talagang pinapanood nilang mag-iina ang vlog ni Alex kasama ang buong pamilya nito.

“Inaabangan talaga namin kung ano ang bago, bago kami manood ng Netflix, pinapanood namin kayo,” pagtatapat ni VP Leni kay Alex na ipinagpasalamat naman ng TV host at aktres.

Dinalaw ng vlogger si VP Leni sa opisina nito kung saan niya nakita ang napakaraming relief goods na ipinamamahagi sa mga nangangailangan nating kababayan.

Nabanggit din na maraming nagbibigay sa kanilang donors at lahat ay nakalista at isa rin si VP Leni sa tumutulong mag-repack ng lahat ng kanilang ipinamamahagi.

“Tuluy-tuloy ang distribution namin, sa Bicol halos everyday,” sambit nito.

May nakitang kahon si Alex at sabi niya masarap ‘yung nakalagay doon, “Kapag nagutom po kayo kumukuha kayo?”

“Hindi puwede (kasi may listahang nakasulat sa kahon kung ilan),” sagot ni VP Leni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa tanong ni Alex kung may plano pang mag-asawa uli si VP Leni, “Wala na, sobrang suwerte ko sa asawa ko, hindi na ako makakahanap ng ganu’n,” diretsong sagot ng bise presidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending