Ara Mina susubukan ang natutunang paraan para maging boy ang next baby: ‘It’s not about the position…’
NGAYONG 2023 sana balak magbuntis uli ni Ara Mina para sa unang baby nila ng kanyang asawang si Dave Almarinez.
Sa edad na 40 something, very positive pa rin ang premyadong aktres na pwede pa rin siyang magbuntis dahil fit and healthy naman daw ang kanyang body.
Nakachikahan namin si Ara Mina sa naganap na story conference ng bago niyang pelikula na “Litrato” under 3:16 Media Productions kung saan makakasama niya ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na ididirek ni Louie Ignacio.
Kuwento ng aktres, nagpa-check na raw siya sa kanyang doktor at okay na okay naman daw siya at kering-keri pang magbuntis.
Ngunit sey ni Ara, mukhang madi-delay muna ang plano nila ni Dave dahil nga sunud-sunod ang pagdating ng mga offer sa kanya. Kaya naman magtatrabaho muna siya this year.
“Feeling ko next year na ako magbubuntis, kaya work muna ako. Kasi sayang din ‘yung work, ‘di ba? Nagpa-check naman ako, okay naman daw ako. I don’t have any problems.
“Hindi ko pa kailangan ng IVF or something. Marami pa raw akong napu-produce na eggs or fertile pa ako. Healthy pa raw. Basta okay siya,” lahad ni Ara.
Wala naman daw issue kay Dave ang naging desisyon niya about having another baby, “Thankful naman ako, kasi hindi naman ako ipinagbabawal ng husband ko mag-work.
View this post on Instagram
“Kapag work, sige go! Ibig sabihin, hindi pa panahon ako mag-baby,” chika pa ni Ara.
Baby boy ang gustong maging anak nina Ara at Dave kaya naman talagang nagri-research daw ang aktres kung paano magiging lalaki ang sanggol na kanyang ipagbubuntis.
“Pinag-aaralan ko kung paano maging boy. Kasi sa mga Chinese, Chinese daw…meron nang nagbigay sa akin ng tips. So, ita-try ko kung paano maging boy.
“Sa Chinese something may ganu’n para maging boy siya. Kasi kapag naka-boy, kumpleto na ako. Kasi okay na ako kay Mandy, e (Amanda na anak niya sa unang partner). Sobrang sweet niya,” excited pang kuwento ni Ara.
Pero tumanggi muna siyang ibandera kung ano ang mga na-research niya dahil gusto rin daw muna niya itong subukan.
“It’s not a position. It’s a date. Date from your period or something. Pero ayoko muna i-reveal. Ita-try ko muna. Kapag effective siya sa akin, I will share it to you, guys,” chika pa ng aktres.
Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta
Ara Mina minulto sa shooting: Yung frame bumagsak, naka-steady lang naman siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.