V-day hugot ni Sharon: Binabati ko lahat ng nagmamahalan diyan...kuryente, tubig, gasolina, pagkain, hello sa inyo! | Bandera

V-day hugot ni Sharon: Binabati ko lahat ng nagmamahalan diyan…kuryente, tubig, gasolina, pagkain, hello sa inyo!

Reggee Bonoan |February 14,2022
facebook
share this

V-day hugot ni Sharon: Binabati ko lahat ng nagmamahalan diyan…kuryente, tubig, gasolina, pagkain, hello sa inyo!

Reggee Bonoan - February 14, 2022 - 05:34 PM

Sharon Cuneta

ISANG oras pa lang ang lumilipas matapos ipost ni Sharon Cuneta ang Tiktok dance nila nina Ara Mina at Lorna Tolentino sa kanyang Instagram account ay kulang 80,000 views na agad ang nakuha nito.

Ang caption ni Shawie sa kanyang video, “Due to insistent public (your!) demand (NAAAKS!) – sige na nga gagawa na ako ng TikTok account ko! 

“Eto na muna ang isa pa na ginawa naming tatlo ng Ate kong napaka humble na reyna @lornatolentinofernandez at ng sis kong si @therealaramina na tulad ni lablab kong si @therealrosannaroces ay aminado nang ako na ang sex symbol ngayon dito.

“Pahinga na muna sila at malaki na kinita nila – kagabi bago sila umalis papuntang Manila! Uwi na rin po ako ngayon. March na uli kami magsasama-sama ng pinakamamahal kong pamilya sa #fpjsangprobinsyano !!! Enjoy!!! @direkrowell @tirsocruziii @montesjulia08 @robinhoodpadilla.

“Version 2 for you! Mas tama timing ng music hahaha! @lornatolentinofernandez @therealaramina @direkrowell @tirsocruziii @montesjulia08,” pahayag pa ni Mega.

Ang daming pumuri kay Sharon dahil among the three ay siya na raw ang pinaka-sexy kaya marami ang nagsabing, “Ang cute.”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Say ni @_juliebels, “Kagigising ko lang Eto agad nakita ko nawala antok ko Hahahahhaah.”

Wala raw kupas si Mega sabi ni @evaramos_tmu, “Walang kupas galing nyo pa rn Po sumayaw. Happy Life.”

Sang-ayon naman si @sharonian_mariz.chris, “maa galing mong sumayawww.”

At pinagagawan na rin ng TikTok account ang Megastar mula kay @gens_denisee, “ANG SEXY MO! GAWA KA NA NG TIKTOK ACC PLS!!”

Say din ni @foodiegirlboss, “Tita! Sobrang payat mo na  @reallysharoncuneta.”

Say din ni @sharonspiration, “Love the energyyyy urgh! gaganda nyo po.”

At si @gens_kristinejoice, “OWEMJIEEEEE! THANK YOUUU NA AGAD MAMA, PINAGBIGYAN MO NA REQUEST NAMINNN.”

Aliw ang komento ni @gens_kristinejoice, “JUSKO DZAIIII!! MAPAPA-LEAVE NA LANG TALAGA KO SA ONLINE CLASS.”

At dahil Araw ng mga Puso ngayon ay may binati si Sharon sa pamamagitan ng art card, “Binabati ko lahat ng nagmamahalan diyan (heart emoji).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kuryente, Tubig, Gasolina, Pagkain at pamasahe, hello sa inyo (waving hand emoji),” joke pa ng aktres.

Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta

Ara Mina, Dave Almarinez nagpakasal na sa Baguio; istriktong sumunod sa health protocols

Modus ng Budol-Budol Gang buking ni Ara; binalaan ang mga kapwa negosyante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending