Ara Mina minulto sa shooting: Yung frame bumagsak, naka-steady lang naman siya | Bandera

Ara Mina minulto sa shooting: Yung frame bumagsak, naka-steady lang naman siya

Alex Brosas |November 01,2022
facebook
share this

Ara Mina minulto sa shooting: Yung frame bumagsak, naka-steady lang naman siya

Alex Brosas - November 01, 2022 - 08:48 AM

Ara Mina minulto sa shooting: Yung frame bumagsak, naka-steady lang naman siya

Ara Mina

MAY creepy experience pala si Ara Mina while shooting her movie “Katok”.

Ikinuwento ni Ara ang kanyang nakakatakot na experience sa presscon ng movie niya na showing na sa AQ Prime.

“I’ve been doing horror films noon pa, from ‘Shake, Rattle & Roll’ but this is the first time na meron kaming isang eksena na parang may gumanoon na kamay.

“Wala namang  tao sa area na iyon kasi lahat ng mga staff nandito sa director’s So, ako lang ‘yung tao,” chika ni Ara.

Hindi lang ‘yun ang naranasan ni Ara na nakakatakot.

“One time,  ‘yung frame bumagsak. Naka-steady lang naman siya,” kuwento niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)


Pero hindi roon nagtatapos ang creepy experience ni Ara dahil may isa pang eksena na talagang nanindig ang kanyang balahibo.  Sa isang scene kasi ay pinapasok si Ara sa isang cabinet ng kanyang director na si Joven Tan.

“Creepy kasi it’s an old house tapos ‘yung cabinet na ‘yun, parang ano pala iyon, parang panic room. Cabinet ang hitsura niya pero kapag pumasok ka ano pala iyon, stair pala iyon na pakisame, paakyat. Iyon ‘yung  parang panic room noong old house na iyon,” she recalled.

Sabi ni Ara, ang lamig-lamig sa loob ng cabinet. Talagang nanindig ang kanyang balahibo. At kahit na hindi naman siya claustrophobic ay talagang natakot siya.

“Halos minadali ko ‘yung eksena.  Kahit hindi pa ako dapat lumabas, lumabas na ako,” say niya.

Aminado naman si direk Joven na talagang hindi niya sinabi kung ano ang nasa loob ng cabinet para makuha niya ang organic reaction ni Ara sa eksenang iyon. Effective naman ang ginawa niya dahil talagang takot na takot si Ara sa eksena.

isang caregiver ng isang matandang babae si Ara “Katok” which has started streaming on AQ Prime.

* * *

Ang daming pumuri kay Annabelle Rama sa latest post niyang video sa kanyang Instagram account.

Nag-unboxing kasi ng kanyang regalo si Annabelle na tuwang-tuwa sa kanyang branded na bag na regalo sa kanyang kaarawan recently.

Sa kanyang short video, napansin ng netizens na super young ang hitsura ni Annabelle kaya naman panay papuri sila sa madir ni Ruffa Gutierrez.

“You are very beautiful @annabelleramaig you looked 45yrs old never get old my goodness. give me some tips thank you!”

“Di ko nakilala.”

“Grabeee batang bata po happy bday po.”

“Did not recognize her  Her new hair style/ extensions and fillers. You look good.”

“Ka gwapa ni Maam Annabelle, bagay ang hair!”

“Ningsamot gyod ka gwapa c madam bisaya! looking young at this time! IN ENINI mga bisaya gwapa.”

“Wow! Bumata ka Tita Annabelle.”

Star-studded ang recent birthday celebration ni Annabelle. Talagang bumaha ng bigating celebrities dahil present sina Richard Gomez, Aga Muhlach, Willie Revillame, Lucy Torres-Gomez, Charlene Gonzales-Muhlach, Vina Morales, Cesar Montano, Tonton Gutierrez, Ian Veneracion, James Yap, Karla Estrada and Herbert Bautista, among others.

Ara Mina aminadong ‘dream come true’ ang makatrabaho si Sharon Cuneta

Ara Mina, Dave Almarinez nagpakasal na sa Baguio; istriktong sumunod sa health protocols

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ara may pa-tribute sa fiancé bago ikasal: Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending