Ara may pa-tribute sa fiancé bago ikasal: Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin... | Bandera

Ara may pa-tribute sa fiancé bago ikasal: Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin…

Ervin Santiago - June 09, 2021 - 01:36 PM

ILANG araw bago ang pinakahihintay nilang wedding day, may pa-tribute muna si Ara Mina sa kanyang businessman fiancé na si Dave Almarinez.

Nag-share ang aktres ng litrato ni Dave sa kanyang Instagram account na kuha pa raw noong nanliligaw pa lang ang negosyante. Dito, ibinandera ni Ara ang magagandang qualities ng future husband.

“Just want to let you know, Dave, that I admire you so much dahil sa maraming magandang bagay tungkol sa ‘yo. Hindi ako magsasawang ipagmalaki ang kabutihan ng puso mo. 

“Maraming magpapatunay niyan. Kahit yung mga taong ‘di gumagawa ng mabuti sa ‘yo alam nila sa sarili nila kung gaano ka kabuting tao. 

“Kahit kailan wala akong nakitang kayabangan sa ‘yo, punong puno ng magagandang intensyon ang lagi ko naririnig tuwing nagkukuwento ka at may mga plano ka lalo para sa ibang tao, at du’n kita lalong hinangaan,” simulang papuri ng aktres kay Dave.

Aniya pa, “Wala na siguro ako makikilala na kasing sipag at tiyaga mo. Ang sarap lang ipagmalaki na kung ano man ang meron ka ngayon ay dahil sa sariling sikap. 

“Nagpapasalamat din ako sa pagiging maunawain mo lalo sa trabaho ko. Matagal na naman tayong ‘di magkikita dahil nga sa lock-in ang taping namin simula nitong pandemic. Pero ramdam ko lagi yung support mo,” pahayag pa ni Ara.

Napakarami rin daw niyang natutunan sa kanyang fiancé pagdating sa pag-aalaga sa pamilya, “At lalo kitang minahal sa pagiging mapagmahal mo sa pamilya dahil ‘yan ang lagi kong pinagdadasal sa makakasama ko habang buhay. 

“Sayang at ‘di ko na nameet ang parents mo para magpasalamat sa pagpapalaki ng isang taong napakabuti at hinahangaan ng marami,” dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng IG post ng aktres, nagbitaw siya ng pangako para sa mapapangasawa, “Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa ‘kin. Naniniwala ako na may dahilan ang Diyos sa pagsasama natin. 

“Dave, sabay natin gagawin ang mga misyon natin na maging instrument ng love ni God. Kaya kahit anong pagsubok ang dumating alam kong God’s plan will always win,” mensahe pa ni Ara kay Dave na siyang President at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Samantala, balitang ngayong darating na June 12 na ang kasal nina Ara at Dave na gaganapin sa Baguio City. Ilan sa mga magiging ninang nila ay sina Megastar Sharon Cuneta at Rep. Vilma Santos.

Sa isang panayam, sinabi ni Ara na hindi naman magiging bonggang-bongga ang kanilang wedding, “You know what I like about him, pina-prioritize niya ako. Sabi niya sa coordinator, ‘I want to give her her dream wedding.’

“Well, hindi naman tayo sobrang makakapagbongga dahil sa pandemic. Hindi natin alam kung hanggang kailan ito pero susunod naman tayo sa protocols. Pero I want na nandoon lahat ng friends ko, lahat ng nagmamahal sa akin at naka-witness ng journey ko,” ani Ara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong April 28, 2021 sana ang kasal nila ngunit na-postpone nga dahil sa biglang pagtaas uli ng COVID-19 cases sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending