Ara Mina, Dave Almarinez nagpakasal na sa Baguio; istriktong sumunod sa health protocols | Bandera

Ara Mina, Dave Almarinez nagpakasal na sa Baguio; istriktong sumunod sa health protocols

Reggee Bonoan |June 30,2021
facebook
share this

Ara Mina, Dave Almarinez nagpakasal na sa Baguio; istriktong sumunod sa health protocols

Reggee Bonoan - June 30, 2021 - 05:01 PM

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang ginaganap ang kasal ng aktres na si Ara Mina at ni Dave Almarinez.

Nagsimula ang seremonya kaninang 3 p.m. sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Base sa kuwento ng entertainment writer at kaibigan ni Ara na si katotong Leo Bukas ay noong Lunes, Hunyo 28, pa nasa Baguio sina Ara at Dave para dumalo sa kanilang wedding rehearsal at ayusin ang iba pang detalye ng kasal.

Kahapon, Hunyo 29 naman sumunod ang mga kasama aa entourage tulad ng bridesmaids, groomsmen, principal sponsor, at ilang malalapit na kaibigan kasama na nga ang kasamahan namin sa panulat na si Leo.

Mahigpit ang pagpapatupad ng safety protocols sa Baguio kaya lahat ng dumalo ay dumaan sa swab test bago umakyat sa nasabing lungsod.

Bukod dito, kailangang nakarehistro sila sa Baguio Visita website para sa QTP (QR-coded Tourist Pass). Lahat ay kailangan pa ring nakasuot ng face mask at face shield.

Dumalo sa nasabing kasalan sina Sunshine Cruz kasama ang boyfriend na si Macky Mathay (half-brother ni Ara), Jenny Miller, Barbie Imperial, Melissa Ricks, Samantha Bernardo, Jaycee Parker, Jessa Zaragoza, Jose Sarasola, Gerhard Acao at marami pang iba.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang asawa ni Ara na si Dave ang siyang CEO ngayon ng Philippine International Trading Corporation. (PITC).

Kinuna nilang ninong at ninang sa kasal nila sina dating Sen. Manny Villar kasama ang asawang si Sen. Cynthia Villar, Sen. Bong Go, Sen. Richard Gordon, Sen. Ralph Recto at asawang si Congw. Vilma Santos-Recto, San Pedro, Laguna Mayor Lourdes Cataquiz at Robina Gokongwei-Pe.

Hindi pa kami nakakuha ng balita sa kasalukuyan kung may mga dumalo sa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na inimbita rin ni Ara bilang parte siya ng aksyon serye ni Coco Martin.

Mula sa BANDERA, binabati namin ang bagong kasal na sina Ara at Dave.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending