Bianca King nami-miss na ang pagiging buntis: 'I wanna do it again' | Bandera

Bianca King nami-miss na ang pagiging buntis: ‘I wanna do it again’

Therese Arceo |April 08,2023
facebook
share this

Bianca King nami-miss na ang pagiging buntis: ‘I wanna do it again’

Therese Arceo - April 08, 2023 - 01:25 PM

Bianca King nami-miss na ang pagiging buntis: 'I wanna do it again'
MAKALIPAS ang isang linggo buhat ng panganganak sa kanyang panganay na anak, aminado ang aktres na si Bianca King na nami-miss niya ang pagbubuntis.

Mukhang bet na nga agad ng aktres ang magkaroon ng ikalawang anak dahil looking forward ulit itong maranasan ang mga na-experience niya sa kanyang nagdaang pregnancy.

Sa kanyang Instagram stories nitong Huwebes, April 6, ibinahagi ni Bianca ang mga never-before-seen video clips na kuha noong nagdadalangtao sitya sa panganay nilang anak ng asawa.

“I miss being pregnant. I wanna do it again,” saad ng aktres.

Bukod rito ay gumamit rin si Bianca ng dalawang baby emoji.

Sa mga sumunod na tweets ay makikitang ibinabandera niya kaniyang baby na tinawag niyang “squirmy little critter”.

Baka Bet Mo: Bianca King nag-share ng 11 tips para makabuo ng baby: Minimize toxins like smoking & alcohol, eliminate toxic people…

Tinalakay rin ni Bianca ang kanyang pagkakaroon ng postpartum belly at nagbigay ng tips sa kapwa mommies ng kanyang mga “belly recovery collection”.

“Another closet staple that took me from 3rd to 4th trimester. I wear it weekly, I have 2 pairs! I literally roll out of bed in this and can wear it out of the house too.

“I’m obsessed with compression now. Helping my torso adjust back. Post partum belly bands were uncomfortable for me. My pelvic floor physio said I’m better off wearing compression shorts. They are so much more comfortable than bands!” pagbabahagi ni Bianca.

Matatandaang August 2022 nang ianunsyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis sa panganay nilang anak ni Ralph Wintle.

Nitong February lang nang magdesisyon siya na magkaroon ng social media break upang makapaghanda sa kanyang panganganak.

At noong March 29 nga nang ibandera ni Bianca ang kanilang anak sa madlang pipol.

Related Chika:
Bianca King ayaw pang malaman ang gender ng magiging baby; hindi pa rin nakakapili ng pangalan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bianca King umaming natatakot sa pagbubuntis: There’s the fear of miscarriage, abnormalities and what could go wrong…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending