Antonette Gail hindi natuloy ang operasyon nang isugod sa ospital: Thank you sa mga prayers ninyo | Bandera

Antonette Gail hindi natuloy ang operasyon nang isugod sa ospital: Thank you sa mga prayers ninyo

Therese Arceo |August 17,2022
facebook
share this

Antonette Gail hindi natuloy ang operasyon nang isugod sa ospital: Thank you sa mga prayers ninyo

Therese Arceo - August 17, 2022 - 08:43 PM

Antonette Gail hindi natuloy ang operasyon nang isugod sa ospital: Thank you sa mga prayers ninyo

HINDI na nga natuloy ang dapat na operasyon ng vlogger at social media personality na si Antonette Gail matapos itong isugod sa ospital.

Matatandaang nitong Linggo, August 14, ibinahagi ng kanyang partner na si Whamos Cruz ang pinagdaraanan ng soon-to-be mom dahil sa pagkakaroon nito ng bartholin cyst o bukol sa kanyang ari.

Hands on naman si Whamos sa pag-aalaga kay Antonette lalo na at mahigit tatlong buwan na ang ipinagbubuntis nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Antonette Gail Del Rosario (@aaaaagdr)

At isa ngang good news ang ibinahagi ng social media couple nitong Miyerkules, Agosto 17 sa kanilang Facebook page.

Hindi na kasi natuloy ang surgery ni Antonette dahil pumutok na ang bukol sa ari niya.

“Thank you po kay God, dahil hindi na po natuloy yung surgery ko dahil nung pagka putok po ng bukol is lumiit po siya at pwede pong idaan sa gamot and proper hygiene,” saad ni Antonette.

Labis rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kanyang kalagayan. Siniguro rin niya ang mga tagasuporta na maayos ang kanyang ipinagbubuntis

“Syempre thankyou din po sa mga prayers ninyo and lagi po naming pina pacheck si BABY METEOR okay naman po siya,” pagpapatuloy ni Antonette.

“Sobrang saya ko dahil hindi na ganon kasakit yung nararamdaman ko then syempre mas iniisip ko yung kaligtasan ni baby. Thank you po sainyong lahat,” dagdag pa niya.

Ibinahagi naman nila ang sonogram ng kanilang baby na tinawag nilang si Baby Meteor.

Bagamat hindi pa alam ang gender ay pakiramdam ni Whamos ay lalaki ang magiging anak nila ni Antonette.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending