Whamos sa hamong magpa- DNA test sila ng anak: Kapag tugma pakulong kita
HINDI na nakapagtimpi ang social media personality na si Whamos Cruz sa isang netizen na nag-aakusang hindi niya anak si Baby Meteor.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ang comment ng isang netizen patungkol sa panganay nila ng kapwa social media personality na si Antonette Gail dahil hndi
“Magpa DNA test kau tignan mo hindi mo anak yan hahaha,” hamon ng netizen kay Whamos.
Hindi naman ito pinalagpas ng kilalang personalidad at agad itong sinagot.
Baka Bet Mo: Whamos sa ‘ninakaw’ umano na clips: Nasaktan ako, hinihila pa ako pababa!
View this post on Instagram
“PAPALAGAN KITA JAN SA DNA BASTA KAPAG TUGMA DNA NAMEN PAPAKULONG KITA PAYAG KA?” saad ni Whamos.
Aniya, noon pa mang nagbubuntis ang kanyang partner ay ipinapanalangin na niyang huwag magmana sa kanya ang anak.
“SINABI KONA SA INYO UNA PA LANG NA NASA TYAN PALANG ANG ANAK KO NA C Baby Meteor PINAG DASAL KO NA HINDI MAGING KAMUKA DAHIL AYOKO MAKARANAS ANAK KO SA PANG BABASH NYO,” pagpapatuloy pa ni Whamos.
Sa totoo lang raw ay masuwerte siya dahil pinagkalooban sila ng gwapo at matalinong anak.
“SWERTE NALANG AKO DAHIL NAGING GWAPO ANG ANAK KO AT MAY MAIPAG MAMALAKI AKO SA TAO NA KAHIT GAANO MAN AKO KAPANGIT NAPAKA TALINO MABAIT GWAPO NG ANAK AT NAPAKA GANDA NAMAN NG ASAWA KO Antonette Gail,” dagdag pa ni Whamos.
Sa kabila naman ng natatanggap na pambabash mula sa madlang netizens ay mahal pa rin niya ang mga ito.
“GOODBLESS SA INYONG MGA BASHER MAHAL KO PADIN KAYO KAHIT LAGI NYO AKONG NILALAIT SA ITSURA KO,” sabi pa ni Whamos.
Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang post ng social media personality.
“hay naku may mga tao tlagang ganyan sir Whamos Cruz..wag nio nlng po pansinin wala lng po magawang mabuti yan buhay nila yan,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Yang mga bashers na yan kasi, yan ung mga walang pag asang umasenso sa buhay, kumbaga sumubok ng kumayod ng kumayod kaso wala ng pag asang makaahon kaya hanggang inggit nalang sila sa mga taong nagkakameron sa buhay!”
“What Bulag ata ang basher kamukhang kamukha nga ni whamos jusko Lord my maisabi lang,” sabi naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.