Celebs, Influencers pagalingan sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ trend

Celebs, Influencers kanya-kanyang gimik sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ trend

Pauline del Rosario - May 06, 2024 - 05:42 PM

Celebs, Influencers kanya-kanyang gimik sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ trend

PAGKATAPOS ng “Asoka” transformation, trending naman ngayon ang “Choose the Philippines” challenge!

Gamit nito ang kantang “Piliin Mo ang Pilipinas” by Angeline Quinto na theme song para sa kampanya ng “Choose Philippines” tourism.

Bukod sa pabonggahan ng makeup look at Pinoy costumes, may kanya-kanya ding gimik ang uploaders na ibinabandera ang mga makabuluhang kultura at tradisyon ng Pilipinas.

Marami na ang kumakasa sa hamon na umaabot na sa halos 260,000 ang posts sa TikTok, as of this writing.

Baka Bet Mo: ‘Rampa Manila 2’ aarangkada sa Manila bilang pagpupugay sa Pinoy fashion

Ivana Alawi

Isa sa mga gumawa ng challenga ay ang actress-content creator na si Ivana Alawi na itinampok ang sikat na karakter sa “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal na si Maria Clara.

Ang kanyang video ay umaani na ng mahigit 35 million views at 5 million reactions.

@ivanaalawi PILIPINAS 🇵🇭 (@Angge G.) #fyp ♬ original sound – SHADOWKNIGHT_911 – ALPHAXZ

Lenie Aycardo

Kabog din ang content creator na si Lenie Aycardo na ipinamalas ang kagandahan ng iba’t-ibang kultura at tradisyon ng ating bansa.

“Mula sa kagandahan ng Maranao bilang isang prinsesa ng Singkil, sa buhay ng mga katutubong Filipino sa kanayunan, sa tribu ng Kalinga sa Cordillera, at sa elegansya ni Maria Clara. Tuklasin ang mga pagdiriwang at ang kayamanan ng kultura ng bawat probinsya sa Pilipinas [Philippine flag emoji],” caption niya sa video na mayroon nang mahigit 16 million views.

@lenie_aycardo Ipapamalas ang yaman, kasiglaan, at iba’t ibang kultura at tradisyon ng Pilipinas, mula sa kagandahan ng Maranao bilang isang prinsesa ng Singkil, sa buhay ng mga katutubong Filipino sa kanayunan, sa tribu ng Kalinga sa Cordillera, at sa elegansya ni Maria Clara. Tuklasin ang mga pagdiriwang at ang kayamanan ng kultura ng bawat probinsya sa Pilipinas. 🇵🇭 PILIIN MO ANG PILIPINAS! Ib: @Angge G. / Pilipiin mo ang pilipinas music @Jomar Lovena ♬ original sound – SHADOWKNIGHT_911 – ALPHAXZ

Whamos Cruz

Ang social media star naman na si Whamos Cruz pasabog din na nagbibigay-pugay sa mga manggagawang Pilipino.

Kabilang na riyan ang balot at taho vendor, barker, takatak, tricycle riders, magsasaka, at kahit mga Marites ay isinama niya rin.

Kapitana

Pak na pak din sa entry ang creative drag makeup artist na si Kapitana na ibinida ang mga piyesta na ipinagdiriwang sa iba’t-ibang probinsya ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

@kap.itana Let’s GO! PHILIPPINES! 🇵🇭 Credits to @anngelicaaaaa ❣️ Transtion IB : @hueben.kang & @xellefiequeen 🫶❤️ Contact Lenses from : @flarecolor_lgvph @fashioneyelens #fyp #philippines #phtrend #piliinmorinangpilipinas #pilipinas #tiktok #viral ♬ original sound – SHADOWKNIGHT_911 – ALPHAXZ

Shaha Meta 

Sa pamamagitan din ng challenge, proud na ibinandera ng content creator na si Shaha Meta ang kultura sa Mindanao.

“Representing the Muslim traditional clothes [fire emoji],” masaya niyang wika sa TikTok.

@shahameta PILIIN MO ANG PILIPINAS 🇵🇭 Representing the Muslim traditional clothes 🔥 Thank you to my production team and to my supporters talaga 🥰❤️ 👗@QueenDORA @Jaja 🎥 @maryclairephotography ♬ original sound – SHADOWKNIGHT_911 – ALPHAXZ

Jomar Lovena 

Kakaiba naman ang naging take ng content creator na si Jomar Lovena na itinampok ang mga bayani ng Pilipinas.

Kabilang na riyan sina Jose Rizal, Lapu-Lapu, Andres Bonifacio at marami pang iba.

Caption niya, “PILIPINAS PINOY PRIDE [Philippine flag emoji] Hindi talaga ako marunong mag-Makeup ‘yan lang po kaya ko.”

@jomarlovenaaPILIPINAS PINOY PRIDE 🇵🇭 Hindi talaga ako marunong mag Makeup yan lang po kaya ko

♬ original sound – SHADOWKNIGHT_911 – ALPHAXZ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending