Ivana Alawi 'nagtinda' ng sampaguita, namigay ng pera sa Antipolo

Ivana Alawi ‘nagtinda’ ng sampaguita, namigay ng pera sa Antipolo

Therese Arceo |April 03,2024
facebook
share this

Ivana Alawi ‘nagtinda’ ng sampaguita, namigay ng pera sa Antipolo

Therese Arceo - April 03, 2024 - 03:42 PM

Ivana Alawi 'nagtinda' ng sampaguita, namigay ng pera sa Antipolo

MULING naghatid ng inspirasyon at pag-asa ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi matapos itong magpanggap bilang tindera ng sampaguita malapit sa Antipolo church.

Sa kanyang latest vlog na uploaded nitong Lunes, sinabi ng dalaga na kung sino man ang mag-abot ng pera sa kanya ay gagawin niyang x1000 ang balik nito.

“Sobrang meaningful at sobrang special ng chirch na to sa akin kasi noong bata ako… nag-alay lakad kaming dalawa ng ate ko from Sta. Mesa all the way to Antipolo,” lahad ni Ivana sa dahilan kung bakit doon niya naisipang mamigay ng pera.

Aniya, tinupad raw ng Panginoon ang hiling niya noon kahit na pakiramdam niya ay imposible ito.

Baka Bet Mo: Ivana Alawimamimigay ng ‘all-expense paid trip’ sa Singapore para sa Eras Tour

 

“Sobrang imposible ng wish ko. Kahit ako parang sabi ko parang imposible namang mangyari ito pero kung mangangarap na lang ako, taasan ko na,” pagbabahagi pa ni Ivana.

Hindi na niya sinabi pa kung ano ang hiling niya na tinupad ng Panginoon kaya ito raw ang dahilan kung bakit malapit ang Antipolo church sa kanya.

Nakiusap rin si Ivana na huwag i-skip ang ads sa kanyang vlog dahil lahat raw ng kanyang kikitain ay ido-donate niya sa simbahan.

Anim ang maswerteng napagkalooban ng dalaga ng pera. Tatlo rito ay nagtitinda, isang enforcer, at dalawang tricycle driver.

Lahat ng mga ito ay nagpapasalamat kay Ivana dahil sa surpresang hatid sa kanila ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hinahanap naman niya ang babaeng nagtitinda at nahinto sa kanyang pag-aaral para maging pulis.

Nais kasi ni Ivana na tulungan itong makatapos at matuloy ang pangarap na maging pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending