Ivana Alawi na-‘bully’ kaya tumigil sa pag-aaral

Ivana na-‘bully’ kaya tumigil sa pag-aaral: Kasi hindi raw ako maganda

Pauline del Rosario |February 19,2024
facebook
share this

Ivana na-‘bully’ kaya tumigil sa pag-aaral: Kasi hindi raw ako maganda

Pauline del Rosario - February 19, 2024 - 12:43 PM

Ivana na-‘bully’ kaya tumigil sa pag-aaral: Kasi hindi raw ako maganda

PHOTO: Instagram/@ivanaalawi

NAKARANAS din pala ng pambu-bully ang actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Ibinunyag at ikinuwento niya ‘yan mismo nang makasama niya sa isang mukbang vlog ang binansagang “Pambansang Yobab” na si Euleen Castro.

Ayon kay Ivana, tinutukso siya dati ng kanyang mga kaklase dahil hindi daw siya maganda at hindi pa siya marunong magsalita ng Tagalog.

“Sobra akong na-bully ‘nung elementary, high school kasi daw hindi ako maganda, ganyan,” sey niya.

“To the point na ayaw ko nang pumasok sa school kasi lagi nila akong inaasar na hindi maganda tapos muka raw akong hindi Pilipino…tapos English speaking kasi lumaki ako sa ibang bansa so hindi ako marunong mag-Tagalog. So ‘yun, kada papasok ako sa school, hiyang-hiya ako lagi,” kwento niya.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi dinenay na may something kay Mayor Albee: Hindi po ako

Sinabi rin ni Ivana na hindi niya natiis ang mga ginagawang panunukso sa kanya kaya napagdesisyunan niyang huminto na sa pag-aaral.

“Nag-stop ako mag-school na pumapasok para hindi ko na sila makita,” pagbubunyag ng aktres.

Chika pa niya, “As in iisa lang talaga ‘yung naging kaibigan ko noon –ay dalawa, ‘nung elementary, high school.”

Ibinahagi rin ni Euleen na suki rin siya sa mga bully mula noong bata pa siya, lalo na pagdating sa kanyang timbang.

“Ako kasi growing up, binully ako nang malala because of my weight. ‘Yun talaga ang ano nila sa akin…pero alam mo ‘yun, parang nakasanayan mo na rin,” sambit niya.

Dagdag pa ng vlogger, “Uy! Kumain pa ako sa CR.”

Baka Bet Mo: Ivana chinika ang ideal dyowa: Ayoko ng poging-pogi, sa ugali ako nai-in love

Naka-relate naman sa kanya si Ivana at ibinahagi ang kanyang experience pagdating diyan.

 “Ako rin! Tapos nahiya pa akong magpunta ng CR kasi hindi ako makapagpaalam ng ‘Ma’am, pwede po ba akong mag-CR,’ so ‘yung ihi ko lagi kong pinipigilan, muntikan na nga akong magka-UTI noon eh,” aniya.

Kasunod niyan ay nabanggit din ni Ivana na humingi na ng sorry ang mga nam-bully sa kanya at sila ay napatawad na niya. 

“Ngayon, lahat ng mga bully nag-message sakin tapos parang nag-sorry,” wika ni Ivana. 

Patuloy niya, “Pero siyempre, ‘yung damage dati na ginawa nila sa akin, ‘yung na-feel ko, hindi na nila mababalik ‘yun eh. Pero of course, napatawad ko na sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala na akong galit sa kanila, and also they made me stronger. But kung kaya guys, iwasan kasi alam niyo, babalik din sa kanila ‘yun,” saad pa niya.

Ani pa ni Ivana, “Usually kasi ‘yung mga bully, insecure sila eh. So they want others feels insecure. So doon nila dinadaan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending