Ivana Alawi dinenay na may something kay Mayor Albee Benitez

Ivana Alawi dinenay na may something kay Mayor Albee: Hindi po ako

Therese Arceo |February 10,2024
facebook
share this

Ivana Alawi dinenay na may something kay Mayor Albee: Hindi po ako

Therese Arceo - February 10, 2024 - 07:10 PM

Ivana Alawi dinenay na may something kay Mayor Albee: Hindi po ako

HINDI na napigilan ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang magsalita hinggil sa pagkaka-link ng kanyang pangalan kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Kamakailan lang nang maging laman ng mga balita ang Kapamilya actress dahil sa mga lumabas na chikang diumano’y may something na namamagitan sa kanila ng alkalde.

Sa kanyang Facebook page ay diretsahang nilinaw ni Ivana na walang katotohanan ang mga ibinabatong isyu laban sa kanya.

Noong una raw ay sinubukan ni Ivana na huwag na lang pansinin ang chika at manatiling tahimik na lang pero nadadamay na raw ang kanyang pamilya.

“There are posts and issues involving my name. I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi may pa-cryptic post tungkol sa ‘false accusation’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay,” panimula ni Ivana.

Aniya, ito na raw ang una at huling beses na magsasalita siya patungkol sa isyu.

“HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez,” paglilinaw ni Ivana.

Kuwento niya, nakilala raw niya ang alkadd nang may trabaho siya sa Bacolod.

“He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan,” wika ni Ivana.

Nilinaw rin niya na may nagpapasaya na ng kanyang puso at hindi ito politiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a Politician,” chika ni Ivana.

Hangad niya na sana’y maging malinaw na ito para sa lahat na walang katotohanan ang mga kumakalat na chika.

“Sana this helps clear my name and clarify all rumors. Maraming salamat,” sey ni Ivana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending