Ivana Alawi natsitsismis kay Albee Benitez, may relasyon ba?

Ivana Alawi natsitsismis kay Mayor Albee Benitez, may relasyon ba?

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Ivana Alawi natsitsismis kay Mayor Albee Benitez, may relasyon ba?

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 01:32 PM

 

Ivana Alawi natsitsismis kay Mayor Albee Benitez, may relasyon ba?

Albee Benitez at Ivana Alawi

TRUE nga kaya ang kumakalat na chika tungkol sa Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi at kay Bacolod City Mayor Albee Benitez?

Nauugnay ngayon ang sexy star at content creator sa alkalde ng Bacolod kaya naman nag-iinit na naman ang tenga at dila ng mga Marites all over the universe.

Pero ang tanong nga ng mga fans ni Ivana, ang politiko nga kaya ang tinutukoy niya na bagong lalaking nagpapasaya ngayon sa kanya.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Benitez ang owner ng Brightlight Productions na siyang nag-produce ng mga TV show na “Tropang LOL” at “Sunday Noontime Live” na umere sa TV5.

Napag-usapan sa isang episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel ang pagli-link kina Ivana at Mayor Albee matapos kumalat ang chikang spotted umano sila sa Japan.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod dito, may tsismis din na naispatan ang dalawa na nag-iikot sa Baguio pero hanggang ngayon ay hindi pa sila naglalabas ng official statement sa publiko.

Pahayag ni Ogie, kailangan daw linawin agad ni Ivana ang tsismis sa kanila ng kontrobersyal na politiko para hindi na lumala pa at mapag-isipan ng mas matindi pang malisya.

“Mahirap namang husgahan natin si Ivana, so dapat si Ivana rin ang sumagot niyan, kung paano niya lilinawin ‘yan, ‘no. Kung siya nga ‘yung tinutukoy.

“Kung hindi naman siya, please disregard previous message,” pahayag pa ni Papa Ogs.

Pero sey ng talent manager at vlogger, sana raw ay hindi ito totoo.

Kasabay nito, usap-usapan din sa social media ang kontrobersya sa pagitan ni Mayor Albee at ng misis niyang si Nikki Benitez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa ulat, hanggang ngayon ay magkasama pa rin daw ang mag-asawa sa isang bahay at wala pang kasiguruhan kung magpa-file sila ng annulment.

Bukas ang BANDERA sa magiging paglilinaw ni Ivana hinggil sa isyung ito pati na rin sa magiging official statement ng mag-asawang Albee at Nikki Benitez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending