Ivana happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa

Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!

Ervin Santiago |January 04,2024
facebook
share this

Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!

Ervin Santiago - January 04, 2024 - 12:11 PM

Ivana Alawi

Ivana Alawi

IBINANDERA ng Kapamilya sexy actress at content creator na si Ivana Alawi na masaya at makulay ang kanyang lovelife ngayon.

Kung noon ang palagi lamang nababanggit ni Ivana ay nasa “dating” stage pa lang siya, ngayon ay maligayang-maligaya raw ang kanyang puso.

Yes, in love na in love sa kanyang boyfriend ang leading lady ni Coco Martin sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” at umaasa siya na sana’y natagpuan na niya si Mr. Right.

“My heart is happy. Ayaw ko namang sabihin na super happy kasi siyempre start pa lang so, happy,”  ang pahayag ni Ivana sa panayam ng ABS-CBN.

Walang ibinigay na identity ng guy ang dalaga, “Non-showbiz. Selosa kasi ako. So hindi magwo-work kapag showbiz.

“Saka magulo. Gusto ko ng private relationship,” sey pa ng aktres at vlogger.

Baka Bet Mo: Ivana luma-lovelife na: ‘I’m seeing someone, my heart is happy’

Ano nga ba ang mga qualities ng dyowa niya na talagang nagustuhan niya? “Alam mo ang nagustuhan ko? Wala siyang kayabang-yabang.

“Saka, kasi ang number one na nakaka-turnoff sa akin ‘yung mayabang. Ayaw ko ng ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“And super blessed and happy. Feeling ko, malapit na, pwede nang mag-asawa. Ha-hahaha! Char!” ang chika pa ni Ivana.

Baka Bet Mo: Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Ayon sa dalaga, baka raw mag-settle down na siya pagtungtong niya ng edad 30, 27 years old daw siya ngayon kaya may three years pa siya sa pagiging single lady.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Ivana na ayaw niya ng dyowang foreigner, “Ang bet ko talaga ay Pinoy. Pinoy talaga! Hindi ko kailangan ang sobrang yaman. Hindi manloloko, alam mo, very basic. Tsaka sana non-showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Of course, it’s important, kailangan siya pumasa sa Mommy ko. Well, hindi lang sa mom ko but also with my whole family. And advice ng mom ko ay ‘wag kang laging magmadali and ‘wag mo ibigay ang lahat,” aniya pa nang matanong about her ideal man.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending