Ivana luma-lovelife na: 'I'm seeing someone, my heary is happy'

Ivana luma-lovelife na: ‘I’m seeing someone, my heart is happy’

Ervin Santiago |December 05,2023
facebook
share this

Ivana luma-lovelife na: ‘I’m seeing someone, my heart is happy’

Ervin Santiago - December 05, 2023 - 03:36 PM

Ivana luma-lovelife na: 'I'm seeing someone, my heary is happy'

Ivana Alawi

MALIGAYA ngayon ang lagay ng puso ng Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi.

Super flex ang leading lady ni Coco Martin sa ABS-CBN series na “Batang Quiapo” sa kanyang lovelife pero tumanggi siyang magbigay ng detalye about it.

Nagkachikahan sina Ivana at Bea Alonzo sa latest YouTube vlog ng sexy actress at vlogger at isa sa nga napag-usapan nila ay ang tungkol sa pakikipagrelasyon.

Ayon kay Ivana, nakikipag-date siya ngayon at happy naman daw ang kanyang puso pero ayaw talaga niyang banggitin kung sino ang lalaking tinutukoy niya.

“Ako, alam na lahat ng tao. Ano ‘yung love life mo? Kumusta ang love life mo?” ang panunukso ni Bea kay Ivana sa isang bahagi ng kanilang vlog.

“I am seeing someone. So I am happy. My heart is happy,” ang sagot naman ng seksing YouTuber.

Baka Bet Mo: Ivana never inisip ang malaking kikitain nang magsimula bilang vlogger, payo sa mga content creator: ‘It shouldn’t be about money’

Hirit uli ni Bea, punumpuno rin ng kaligayahan ang kanyang heart dahil sa kanyang fiancé na si Dominic Roque. Kinumpirma rin ng Kapuso star na wala nang atrasan sa wedding nila ni Dom da 2024.

“Ako, obviously happy. Engaged. Next year na kami magpapakasal. Magpa-family na kami,” sabi ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Sa vlog naman nina Ivana at Andrea, nabanggit ng una na havey naman daw na nagpapasaya sa kanya, “Hindi naman kinikita pero meron. Pero hindi siya 6-footer ha. Hindi pa dyowa. getting to know (each other).”

Baka Bet Mo: Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

“Basta enjoy life. Pero ako malapit na yata (magkadyowa) Babalitaan ko naman kayo,” promise ng dalaga sa madlang pipol.

Sabi pa niya, 31 ang final age ng pagpapakasal para sa kanya, “Ako dati, 21. Kaso lumampas ako ng age, eh. Ngyaon, 31, ine-extend ko siya 10 years, parang visa ba. Pero feeling ko dapat mga 31 (kasal na).”

Ayaw din ni Ivana ng foreigner dyowa, “Ang bet ko talaga ay Pinoy. Pinoy talaga! Hindi ko kailangan ang sobrang yaman. Hindi manloloko, alam mo, very basic. Tsaka sana non-showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Of course, it’s important, kailangan siya pumasa sa Mommy ko. Well, hindi lang sa mom ko but also with my whole family. And advice ng mom ko ay ‘wag kang laging magmadali and ‘wag mo ibigay ang lahat,” aniya pa nang matanong about her ideal man.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending