Bea Alonzo, Lolit Solis nagkabati sa birthday party ni Rhea Tan

Bea Alonzo, Lolit Solis nagkabati sa birthday party ni Rhea Tan

Ervin Santiago |November 26,2023
facebook
share this

Bea Alonzo, Lolit Solis nagkabati sa birthday party ni Rhea Tan

Ervin Santiago - November 26, 2023 - 11:08 AM

Bea Alonzo, Lolit Solis nagkabati sa birthday party ni Rhea Tan

Rhea Tan, Lolit Solis at Bea Alonzo

TINAPOS na ng talent manager na si Lolit Solis at ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kung anumang kanegahang namamagitan sa kanila.

Mismong si Manay Lolit ang nagpakumbaba at lumapit kay Bea nang personal para tuldukan na ang kanilang isyu kasunod ang kanyang pagso-sorry.

Nangyari ang pagbabati ng dalawa kahapon, November 25, sa bonggang birthday celebration ng Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche Tan.

In fairness, masasabing si Miss Rei talaga ang naging tulay para magkaayos at magkapatawaran na finally sina Manay Lolit at Bea matapos maging “national issue” ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Matatandaang sa event din ng Beautederm nagsimula ang isyu nang ipa-ban ng manager ni Bea si Manay Lolit. Sinabi ni Manay na nagpa-power trip daw ang manager ni Bea.

Kasunod nga nito, sunod-sunod na nga ang ginawang pagbira ni Manay Lolit kay Bea. Pero in fairness, sa kabila nito never gumanti o nagsalita ng masama ang aktres kay Manay Lolit.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake magiging ‘choosy’ na sa pagpili ng dyowa; Rhea Tan nakahanap ng bagong ‘baby’

Kahapon nga sa birthday party ni Miss Rei, sinabi ni Manay Lolit na wala siyang personal na galit kay Bea pero inamin niyang “pinaglaruan” lamang niya ang dalaga dahil sa kanyang galit sa manager nito.

“Ever since naman, hindi ako galit sa kanya. Kahit noon pa, sinasabi ko, kahit saan ko pa siya makita, magso-sorry ako.

“Talagang that time, pinaglaruan ko lang dahil naiirita ako sa isang taong malapit sa kanya,” sey pa ng matapang na talent manager.

Pagpapatuloy pa ni Manay, “Oo, talagang apologetic ako talaga sa kagagahan ko, di ba? Talagang sabi ko, ‘Bakit ko ba inaano itong si Bea e, hindi naman kami… (magkaaway).’ Ang ibig ko sabihin, hindi naman kami magka-close.

“Pero talagang kagagahan ko, tuluy-tuloy yun e. Marami naman akong naririnig na magagandang bagay tungkol sa kanya. Sina Lorna (Tolentino), sinasabi sa akin mabait siya.

“Sina Christopher de Leon, sinasabi sa akin. Yung mga alaga kong artista, lahat (pinupuri siya), kaya alam kong mabait siya. Kaya sabi ko, ‘Bakit ko ba ginaganito si Bea, e, wala naman kaming pinag-awayan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


Kitang-kita naman ang pagkabigla ni Bea sa ginawang pagso-sorry ni Manay Lolit, “Christmas na Christmas. Ang Christmas ay panahon ng pagmamahalan, mga kapatawaran, di ba?”

“Merry Christmas! Nagulat ako, hindi ko alam. Ngayon lang kami nag-meet sa personal,” ang pag-amin ng aktres nang hingan ng reaksyon sa ginawa ni Manay Lolit.

Muli namang humingi ng paumanhin ang manager kay Bea, “Yun nga, apologetic ako, so kagagahan ko sa kanya. Pero, yun nga, magso-sorry ako at sincere ako, sincere ako doon, sa sorry ko talaga!”

Baka Bet Mo: Si Marian Rivera ang number one budol ng buhay ko…at love na love niya ako! — Rhea Tan

Sey naman ni Bea, “And I wish you good health more than anything. Totoo iyan.” Na sinagot uli ni Manay ng, “And I wish you good life, with Dominic (Roque).”

Samantala, tinanong din si Bea kung ano birthday wish niya para kay Rhea na naging daan nga sa pagbabati nila ni Manay Lolit. Sagot ng dalaga, “Sorry, nagugulat ako, hindi ko alam na mangyayari itong lahat. Parang ako… shocked.

“Siyempre, alam nating mabuti talaga yung puso ni Ma’am Rei kaya nga ganito karami yung taong nagmamahal sa kanya. I wish her all the best, siyempre,” aniya pa.

Siyempre, super happy naman si Miss Rhea dahil sa birthday celebration niya nangyari ang hindi rin niya inaasahang pagbabati ng dalawang taong malapit sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sarap po kasi dapat naman talaga sa pamilya… iisa lang po yung industriya nating lahat kaya napakasarap yung feeling. Speechless!” sabi ng matagumpay ng lady boss.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending