Vanessa Raval kay Jeric Raval: Sana 'tay kahit mag-sorry ka lang, tatanggapin ko 'yun | Bandera

Vanessa Raval kay Jeric Raval: Sana ‘tay kahit mag-sorry ka lang, tatanggapin ko ‘yun

Therese Arceo |June 13,2023
facebook
share this

Vanessa Raval kay Jeric Raval: Sana ‘tay kahit mag-sorry ka lang, tatanggapin ko ‘yun

Therese Arceo - June 13, 2023 - 10:26 PM

Vanessa Raval kay Jeric Raval: Sana 'tay kahit mag-sorry ka lang, tatanggapin ko 'yun
HANDA raw magpatawad ang social media personality na si Vanessa Raval sakaling humingi ito ng tawad sa kanya.

Nitong Lunes, June 12, ay naglabas ito ng sama ng loob sa Facebook sa pamamagitan ng isang video.

Ani Vanessa, hindi niya pinansin ang mga negatibong komento sa kanya ng mga tao at pinili ang manirahan sa tabing dagat para sa ikapapanatag ng kanyang isip dahil na rin sa naunang isyu na aminado siyang siya ang may sala.

“Tanggap ko ‘yun. Tinanggap ko lahat ng pamba-bash sa akin… Hindi ko sila pinansin kasi alam ko ‘yung mali ko,” saad niya.

Ngunit may mga nagko-comment raw kay Vanessa at sinasabing hindi naman daw siya anak ni Jeric Raval at anak lng siya ng pinsan ng aktor.

Ito kasi ang napabalita noon nang i-spluk ni Ogie Diaz na off-cam raw ay itinanggi ng aktor na anak siya nito matapos ang kanilang interview sa YouTube vlog ng talent manager.

Dito ay binira ni Vanessa si Ogie at minura-mura dahil walang katotohanan ang sinabi nito.

“Unang-una kapag napatunayan mong sinabi yan ng tatay ko, hindi ako magagalit. Pero pag hindi mo napatunayan na sinabi yan ng tatay ko, p***ng **a mo, Ogie Diaz,” gigil na sabi niya.

Baka Bet Mo: Jeric Raval may inamin tungkol kay Vanessa: Hindi ko siya anak, 18 nga ang anak ko hindi ko naman sila itinanggi

Ok lang naman daw sa kanya kung itatanggi siya ng ama pero sabihin sana nito sa kanya.

“Sabihin mo, walang problema. So what kung itanggi mo ko? Madali naman akong kausap. Sige Tatay Ric, itanggi mo ko. Alam mo kung bakit? Wala kang ambag sa buhay naming magkakapatid,” lahad ni Vanessa.

Pagpapatuloy niya, “Saksi ako paano naghirap ang nanay ko maitaguyod lang kaming mga anak niya. Wala siyang katulong. Hindi mo siya tinulungan sa pagpapalaki sa amin hanggang sa pag-aaral.”

Chika pa ni Vanessa, kung totoo man daw na itinakwil siya ng kanyang ama ay talagang masama ang loob niya rito.

“Masakit ‘yung loob ko sa tatay ko kasi nung kinalat ng baklang yan ‘yung tsismis na yan na hindi mo ako anak, wala kang ginawa. Hindi mo ako pinagtanggol kung mahal mo ako bilang anak mo,” sey pa niya.

Samantala, handa naman daw si Vanessa na patawarin at tanggaping muli ang kanyang ama basta humingi lang ito ng kapatawaran sa kanya.

“Sana tay kahit mag-sorry ka lang tatanggapin ko yun kasi mahal pa rin kita, tatay pa rin kita. Sana bago ka tumanda magkapatawaran tayong lahat, magkaroon tayo ng peace of mind.

“Kasi pag tanda mo, [kung] walang nag-alaga sa’yo aalagaan pa rin kita kasi mahal kita tatay kita,” sabi pa ni Vanessa.

Related Chika:
Vanessa Raval umalma sa isyung hindi siya anak ni Jeric: Totoong nagalit ang tatay ko sa ginawa ko, pero hindi niya ako itinakwil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending