Vanessa Raval umalma sa isyung hindi siya anak ni Jeric: Totoong nagalit ang tatay ko sa ginawa ko, pero hindi niya ako itinakwil | Bandera

Vanessa Raval umalma sa isyung hindi siya anak ni Jeric: Totoong nagalit ang tatay ko sa ginawa ko, pero hindi niya ako itinakwil

Ervin Santiago |August 10,2022
facebook
share this

Vanessa Raval umalma sa isyung hindi siya anak ni Jeric: Totoong nagalit ang tatay ko sa ginawa ko, pero hindi niya ako itinakwil

Ervin Santiago - August 10, 2022 - 08:09 AM

Jeric Raval at Vanessa Raval

KINONTRA ni Vanessa Raval ang naglabasang balita na hindi raw siya totoong anak ng veteran actor na si Jeric Raval.

May chika kasi na sinabi raw ni Jeric sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na anak daw ng pinsan niya si Vanessa pero nakikitatay na rin daw nang mapalapit ito sa kanya.

Nitong nagdaang August 5, sa pamamagitan ng isang TikTok video, ipinagdiina ni Vanessa na hindi totoo ang mga ulat na hindi siya anak ni Jeric. Aniya, never daw siyang itinanggi ng ama.

“Hello! May kumakalat na tsismis na naman, na hindi raw ako anak ng tatay ko (Jeric).

“So, ganito lang po sasabihin ko, panoorin niyo po yung interview ng tatay ko kay Ogie Diaz. Kasi may kumakalat na articles, mga fake news, na sinabi raw doon ng tatay ko na hindi niya ako anak.

“Hindi po ako itinanggi ng tatay ko… ang sinabi lang po niya is ‘Let’s not talk about her,'” ani Vanessa.

Patuloy pa niya, “Kung ako yung magulang at may ginawang ganu’n yung anak ko, talagang nakakahiya yun, kaya sasabihin ko na rin na ‘let’s (not) talk about her.'”

Ang tinutukoy ni Vanessa ay ang gawa-gawa niyang kuwento tungkol sa isang “sikat na panget na lalaking rapper” na ayaw raw siyang tantanan sa chat at nanglalandi sa kanya.

Marami ang nagkomento na mukhang ang rapper-songwriter na si Skusta Clee ang tinutukoy ni Vanessa. Kasunod nito, hinamon naman ni Skusta si Vanessa na pangalanan ang sinasabi niyang rapper.

Pero bigla ngang binawi ni Vanessa ang kanyang pasabog na post at unaming “scripted at naka plano” ang lahat ng ginawa niya.

Samantala, nagsalita rin si Vanessa sa chikang anak siya ng pinsan ni Jeric, “Hindi po totoo yun. Hindi po totoo yun, wala pong ganu’n.

“Marami pong beses na na-interview ang tatay ko na nag-name drop siya kung sino ang mga anak niya, lagi po akong kasali du’n.

“Ngayon lang po talaga sensitive ang tatay ko, dahil nga sa mga nangyayari. Nagalit yung tatay ko sa ginawa ko, pero never akong itinanggi nu’n.

“Actually, kausap ko siya ngayon, sabi ko, ‘Bakit ganun?’ Fake news nga, wala siyang sinabi.

“Trinay kong panoorin yung interview niya kay Ogie Diaz, wala akong nakitang sinabi niya na hindi niya ako anak at wala siyang sinabi na anak niya ako sa pinsan daw niya or ewan,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, “Ang nangyari po ngayon, nagka-issue ako, talaga namang nagalit yung tatay ko sa ginawa ko, pero hindi ako itinakwil ng tatay ko.”

Dagdag pa niyang paglilinaw, “Ilang beses na pong binanggit ng tatay ko na lima po ang anak niya sa mommy ko.

“Si AJ, hindi ko po siya half-sister, magkapatid po talaga kami. Mahal na mahal ko po ang mga kapatid ko, lahat po sila mahal ko,” sey pa ni Vanessa Raval.

https://bandera.inquirer.net/320610/jeric-raval-may-inamin-tungkol-kay-vanessa-hindi-ko-siya-anak-18-nga-ang-anak-ko-hindi-ko-naman-sila-itinanggi

https://bandera.inquirer.net/320358/jeric-ayaw-pag-usapan-ang-anak-na-si-vanessa-raval-hindi-rin-suportado-ang-paghuhubad-ni-aj

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287266/aktres-naloka-sa-drama-ng-kilalang-female-star-talagang-dinededma-niya-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending