Jeric Raval may inamin tungkol kay Vanessa: Hindi ko siya anak, 18 nga ang anak ko hindi ko naman sila itinanggi Bandera

Jeric Raval may inamin tungkol kay Vanessa: Hindi ko siya anak, 18 nga ang anak ko hindi ko naman sila itinanggi

Reggee Bonoan |August 04,2022
share this

Jeric Raval may inamin tungkol kay Vanessa: Hindi ko siya anak, 18 nga ang anak ko hindi ko naman sila itinanggi

Reggee Bonoan August 04, 2022 - 05:51 PM
Jeric Raval may inamin tungkol kay Vanessa: Hindi ko siya anak, 18 nga ang anak ko hindi ko naman sila itinanggi

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA na tikom ang bibig ni Jeric Raval tungkol kay Vanessa Raval na gumawa ng sariling kuwento para saluhin ang isyung kinakaharap ng kapatid niyang si AJ Raval.

Sinulat naming magkapatid sina AJ at Vanessa dahil magkamukhang-magkamukha naman at mas kamukha pa nga ng huli si Jeric.

Pero pagkalipas ng ilang araw ay itinanggi ni AJ na close sila ni Vanessa at kung anuman ang pinaggagawa nitong kuwento tungkol sa rapper na nangungulit daw sa kanya ay walang kinalaman ang pamilya Raval.

Binanggit din ng Vivamax sexy star na hindi nila nakalakhan ni Vanessa ang isa’t isa dahil mas close siya sa mga kapatid niyang lalaki na ang ina nila ay si Holiday na legal wife naman ni Jeric.

Kaya pala walang binabanggit si AJ na kapatid niya si Vanessa ay sa dahilang hindi naman pala talaga dahil off-camera ay inamin ni Jeric kay Ogie Diaz sa nakaraang panayam nito na hindi niya anak ang content creator at tattoo artist kundi anak ito ng pinsan niya.

Nang tanungin kasi ni Ogie si Jeric on-camera si Vanessa ay humingi ito ng paumanhin na huwag na lang pag-usapan ito.

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa ay anak ng pinsang buo niya na nakikitatay-tatay Eric na rin sa kanya. Sabi ko kay Jeric, ‘pero kamukha mo, ah.’  Oo pero hindi ko siya anak (sabi ng aktor). Hindi ko itatanggi kung anak ko ‘no? 18 nga ang anak ko hindi ko naman itinanggi,” say ni Ogie sa “Showbiz Update” YouTube channel nila ni Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Inakala namin ay tapos na ang kuwentong Vanessa Raval dahil umamin na siyang scripted ito at inamin na rin ni Jeric na hindi siya anak.

May hirit ulit ang second cousin ni AJ dahil muli siyang nag-post sa kanyang Facebook account ng, “MAY KAILANGAN NA NAMAN AKONG LINAWIN MAMAYA ABOUT SA TATAY KO AT SAAKIN. PERO DONT WORRY, HINDI ISSUE TO. KARAPATAN KO PO NA MAG SALITA ABOUT DITO SALAMAT PO.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VanessaRaval (@vaneraval)

 

Kaya may aabangan na naman ang mga Marites sa bagong post nitong si Vanessa na gusto yata nitong mag-showbiz kaya nagpapakaingay?

“Day kung gusto mong pumasok sa aming industriya diyan ka nila (publiko) unang nakilala na nagsinungaling ka gumawa ka ng script kaya everytime na magsasalita ka ay magduda na ang mga tao at hindi na sila maniniwala sa ‘yo,” pahayag ni Ogie kay Vanessa.

Dagdag pa, “Maniniwala lang sila (publiko) sa ‘yo na marami kang tattoo sa katawan.”

Oo nga naman kasi halos buong katawan ng dalaga ay puro tattoo.

Related Chika:
Vanessa Raval may banta kay Aljur Abrenica: Susunugin ko ang bahay niya!

Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending