Vanessa Raval may banta kay Aljur Abrenica: Susunugin ko ang bahay niya! Bandera

Vanessa Raval may banta kay Aljur Abrenica: Susunugin ko ang bahay niya!

Therese Arceo |July 30,2022
share this

Vanessa Raval may banta kay Aljur Abrenica: Susunugin ko ang bahay niya!

Therese Arceo July 30, 2022 - 02:57 PM

Vanessa Raval may banta kay Aljur Abrenica: Susunugin ko ang bahay niya!

PINAGBANTAAN ni Vanessa Raval ang aktor na si Aljur Abrenica kung sakaling mabuntis nito ang kapatid niyang si AJ Raval at hindi ito panindigan.

Sa kanyang panayam sa Abante ay sinabi niyang ang pagkakaalam niya ay walang katotohanan ang kumakalat na chikang buntis ang kapatid niya.

Halos tatlong buwan na rin daw kasing hindi nakakasama ni Vanessa ang kanyang ate na si AJ pero naitanong niya rito kung totoo nga bang nagdadalang tao ito.

Aniya, alam niyang hindi buntis ang ate niya at nararamdaman niya ring fake news lamang ang mga kumakalat na balita dahil hindi naman daw magsisinungaling sa kanya ang kapatid.

Ngunit nang tanungin siya paano ang mangyayari sakaling totoo ang buntis issue ni AJ at itinago lamang sa kanya, inamin niyang maiintindihan niya ito.

“Wala naman kasi yung ate ko maiintindihan ko kapag hindi niya sinabi sa akin kasi madaldal ako,” saad ni AJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Dagdag pa niya, siya daw ang unang magte-trending dahil siya ang mag-aanunsyo na buntis ang kanyang ate.

Sa kabila nito ay aminado naman si Vanessa na hindi siya sigurado kung boto ba siya kay Aljur para sa kapatid nito.

Simula raw kasi nang mangyari ang isyu sa pagitan ng aktor at ng kanyang ate ay hindi na sila muling nagsama kaya naman hindi na naging malapit ang loob niya dito.

Pabor naman daw si Vanessa kung sakaling magkaroon nga ng anak sina Aljur at AJ at magsama ito kahit hindi pa annulled ang aktor kay Kylie ngunit may banta siya sa aktor kung sakaling hindi nito gampanan ang responsibilidad sa kanyang kapatid.

“Basta ang gusto kong mangyari basta naanakan niya ang ate ko, panindigan niya. Magpakabuti siyang ama kasi kapag hindi niya napanindigan ‘yun, susugurin ko siya sa bahay niya. Susunugin ko ang bahay niya,” matapang na amin ni Vanessa.

Related Chika:
Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending