Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan | Bandera

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

Therese Arceo |July 28,2022
facebook
share this

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

Therese Arceo - July 28, 2022 - 01:45 PM

 Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

PUMALAG ang rapper at Ex-Battalion member na si Skusta Clee dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa viral “blind item” ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval.

Kahapon ay nag-trending ang dalaga dahil sa kanyang post ukol sa isang “pangit” at “babaerong” rapper na ayaw siyang tantanan at palagi siyang mine-message.

Marami sa mga netizens ang nagsasabing mukhang ang kontrobersyal na si Skusta Clee ang tinutukoy ng kapatid ni AJ base na rin sa mga description na sinasabi nito na may “isang anak”.

Matatandaang noong Mayo lang nang muling mapag-usapan ang rapper matapos aminin ng dati nitong karelasyon na si Zeinab Harake ang kanilang paghihiwalay sa kabila ng pagkakaroon nila ng isang cute na cute na baby girl.

“I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan?” saad ni Skusta Clee.

Dagdag pa nito, “I’ll be waiting.”

Sinagot naman ito ni Vanessa sa kanyang Facebook page kalakip ang screenshot ng post ng Ex-Battalion member.

“Pre, Hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag name drop Alam nyo naman sa pilipinas Kapag nag name drop ka sa social media khit Ikaw tama, Ikaw parin [kakasuhan].
Sino paba?” sey ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Samantala, nang tignan namin ang My Day ni Vanessa ay makikita ang post niyang “Dahil hanggang mamatay pangit ka wag ka na umasa. Wag mong tangkain sakin lumapit. Dahil hanggang mamatay pangit ka.”

Tila mula ito sa lyrics ng kanta ni Skusta Clee na “Karma” at pinalitan lamang ang ilang mga salita at pinalitang ng “pangit ka”.

Bago pa man ang post ng rapper ay nilinaw na rin ni Vanessa na hindi naman daw siya ang kanyang tinutukoy sa viral post.

“Hoy Hindi si skusta yan. Hindi ako nag name drop LOL Basta Sana nag focus nalang sya sa anak nya. Or bago nyang bayaran na jowa,” sey ng kapatid ni AJ.

Nag-post rin si Vanessa ng mga screenshots ng conversation nila ng naturang rapper pero hindi pa rin nito nire-reveal ang pangalan ng rapper na nangungulit sa kanya.

Makikita naman sa comment section na puro pangalan ni Skusta Clee maging ang picture nito ang bukambibig ng mga Marites.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending