Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, 'Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala' | Bandera

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 10:30 AM

Skusta Clee at Zeinab Harake

MAS matinding batikos ang inabot ng rapper at songwriter na si Skusta Clee mula sa mga netizens matapos ilabas ang bago niyang kantang “Gaga”.

Ang feeling ng madlang pipol, pinatatamaan ni Skusta Clee ang dati niyang karelasyong vlogger na si Zeinab Harake sa ilang lyrics na ginamit niya sa kanta.

Sabi ng mga supporters ni Zeinab, kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities, parang wala raw pagsisisi si Skusta sa umano’y ginawang panloloko nito sa dating girlfriend.

Tinatalakay sa kantang “Gaga” ni Skusta ang tungkol sa isang taong iniwan sa ere ang kanyang karelasyon noong panahong lugmok na lugmok at wasak na wasak siya.

Ipinost pa ng rapper sa kanyang Twitter account noong June 9, ang lyrics ng kanta na, “Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala.”

Ito ang ikinaimbiyerna ng mga nagmamahal kay Zeinab kaya naman binanatan nila uli si Skusta, kabilang na nga riyan sina Awra Briguela at Melissa Enriquez.

Tweet ni Melissa, “Yung sikat na singer ka pero lahat ng hundred million views mo dahil sa mag ina mo. TALENT BA YORN? SAKET NO?” Nilagyan pa niya ito ng mga emoji na ipis.

Hirit naman ng kaibigan ni Zeinab na si Awra sa tila walang pagsisising paandar ni Skusta sa social media, “Tama ka na ipis.”

Nagkomento rin ang Kapamilya youngstar sa umano’y pambababae ni Skusta na isa raw sa mga rason kung bakit siya hiniwalayan ni Zeinab.

May lyrics kasi sa kanta ng rapper at Ex Battalion member na kung hindi raw “gaga” ang karelasyon ay magkatabi pa sana sila hanggang ngayon sa malambot na kama.

Kinontra naman ito ni Awra, “Malambot na kama? pinile mo nga banig kaysa kama. urur.”

Comment naman ng kapatid ni Zeinab tungkol sa umano’y panloloko ni Skusta, “There’s a huge difference between f**kable and wife-able.”

Sunud-sunod din ang mga pambabasag ng netizens kay Skusta nang dahil sa bago niyang kanta at halos lahat ay nagsasabing wala siyang kuwentang lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


May mga supporters pa nga si Zeinab na nagsabing sana raw ay parusahan siya ng tadhana dahil sa ginagawa niya kay Zeinab. Hiling din nila na masira nang tuluyan ang kanyang career.

Matatandaang inamin ng Filipino-Lebanese YouTuber na nambabae si Skusta sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nito noong May 9.

Inamin pa ni Zeinab na nalaglag ang ikalawang anak sana nila ni Skusta nang dahil sa pagpapabaya ng rapper sa kanilang mag-ina. Sinisi rin niya ang dating partner sa nararanasang mental health issues.

Kamakailan lang ay nagpatutsadahan pa ang ex-couple sa social media. Last June 9, nag-post sa Instagram si Zeinab ng, “Don’t be shy, hurt me more.”

Ito naman ang pinaniniwalaang sagot ni Skusta sa dating dyowa na ipinost niya sa Twitter, “Move on.”

Nitong nagdaang June 10 naman, ipinaramdam ng mga supporters ni Zeinab kay Skusta ang kanilang galit sa isang event na ginanap sa Clark, Pampanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tawagin na ang pangalan niya para mag-perform ay nagsigawan ang audience ng “boooo” at “cheater.”

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

‘Not my baby’ post ni Skusta Clee; sino nga ba ang pinatatamaan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending