Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu'n | Bandera

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Therese Arceo |June 16,2022
facebook
share this

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Therese Arceo - June 16, 2022 - 02:37 PM

Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu'n

NAIRITA na nga ba ang singer-rapper na si Skusta Clee sa pamba-bash ng madlang pipol sa kanya?

Tulad ng naganap sa Aurora Fest 2022 ay muli na namang sinalubong ang singer-rapper ng batikos mula sa crowd nang mag-perform ito sa isang music festival kasama ang grupong Ex-Batallion sa Quezon City nitong Linggo, June 12.

May mga chika pa nga na nag-walk out raw ito base na rin sa TikTok video na kumakalat ngayon na may caption na “Skusta Clee nag-walk out sa Pandayo alon water music festival”.

Makikita sa video na sa habang nagpe-perform ito ay bigla na lang tumalikod sa crowd ang rapper at naglakad papunta sa dulo ng entablado.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

 

Maski nga ang mga kasama sa grupo ay nagulat sa ginawa ni Skusta Clee ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik rin ito sa entablado.

Kalat rin sa social media ang isang video kung saan may mga taong nagtaas ng kanilang middle finger sa rapper at sabay sabay sumigaw ng “Tulo! Tulo! Tulo!”

Samantala, nilinaw naman ng organizer ng naturang music festival na walang katotohanan ang mg kumakalat na balita na nag-walk out si Skusta Clee.

Naglabas ng pahayag ang organizer sa kanilang Facebook page kahapon, June 15.

“Maayos na natapos ni Skusta Clee ang kanyang performance sa Alon,” saad sa statement.

“Nagkaron lang sya ng bahagyang hirap sa paghinga, ngunit ang buong set ng EXB at mismong set nya ay maayos at masayang natapos.

“Wala pong back out o walk out na nangyari,”dagdag pa nito.

Ilang linggo na ring laman ng usap-usapan si Skusta Clee matapos pumutok ang balitang hiwalay na silang muli ng social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake.

Sa isang interview kay Toni Gonzaga ay inamin ng vlogger na muli na naman niyang nahuli na nagloloko ang kanyang partner sa kabila ng pagiging aware nito na buntis siya sa kanilang pangalawang anak na si Baby Moon.

Labis ang galit ng mga netizens kay Skusta dahil sa kabila ng nangyari ay nagawa pa nitong maging “proud” nang i-post niya ang larawan nila ng hinihinalang third party na si Aira Lipata.

Sa ngayon naman ay wala pang kumpirmasyon kung in a relationship na nga ba ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘Not my baby’ post ni Skusta Clee; sino nga ba ang pinatatamaan?

Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending