Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo | Bandera

Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Ervin Santiago |May 15,2022
facebook
share this

Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Ervin Santiago - May 15, 2022 - 07:38 AM

Zeinab Harake at Skusta Clee

MUKHANG unti-unti nang nakaka-move on ang rapper-songwriter na si Skusta Clee sa breakup nila ng kanyang vlogger partner na si Zeinab Harake.

Sa isang video na napanood namin sa YouTube, naglabas ng saloobin si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay, tungkol sa estado o lagay ng kanyang puso ngayon.

Walang binanggit ang rapper about Zeinab pero siyempre, ang paniwala ng lahat ay tungkol ito sa paghihiwalay nila at sa kontrobersyang kinasasangkutan nilang dalawa.

Sabi ni Skusta Clee, kailangang may pagkakaintindihan sa pagitan ng magkarelasyon dahil isa ito sa pinakamahalagang factor para mapanatili ang maayos at matatag na pagsasama.

“Hindi ka naging totoo sa sarili mo. Hindi mo muna inaral ang sarili mo. Hindi niyo inaral ang isa’t isa. Ganu’n.

“Kasi du’n nagsisimula ang lahat, eh. Lalo na kapag hindi kayo nagkakaintindihan. Hindi lang sa isang tao ‘yun, dapat kasi kapag ka-partner, feeling ko ganu’n eh,” paliwanag ng rapper.

Aniya pa, “Kahit anong problem, dapat magkakaintindihan kayo. Kung ano ‘yung kasalanan pagdating sa relasyon, siguro ‘yung kulang ka sa pag-intindi sa partner mo. Kasi du’n magsisimula lahat ‘yun, wala nang kahit na anong explanation.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


Kung puro hugot ang naging pahayag ni Zeinab sa isang interview tungkol sa breakup nila ng rapper, wala naman daw “exes baggage” na dala-dala ngayon ang singer at composer.

“Wala naman akong sobrang dala-dala ngayon. Natutunan kong aralin ang sarili ko, kung ano ‘yung mga bagay na gusto ko, kung ano ‘yung mga bagay na ayaw ko, kung ano ‘yung mga bagay na takot ako, ano ‘yung mga bagay na hindi ako takot, ano ‘yung pangarap ko, ano ba talaga ‘yung gusto ko para sa sarili ko, sino ba talaga ‘yung tunay sa akin. ‘Yun ang napansin ko silang lahat,” dire-diretsong sabi pa ng rapper.

Sa huli, nabanggit ni Skusta Clee ang mga natutunan niya sa pakikipagrelasyon, “Marami akong realizations. Ngayon, mas natutunan kong mahalin ‘yung sarili ko.

“Kailangan mo talagang mahalin muna ‘yung sarili mo kasi hindi ka matututo magmahal nang iba kung hindi mo mamahalin ‘yung sarili mo. Malo-lost ka kung puro ka bigay,” aniya pa.

“Ang wish ko lang, maging okay lahat, maging okay ang isip, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng tao. Lahat tayo may pinagdadaanag problema, lahat tayo may kaso. Ang hangad ko, kaligayahan ng lahat, kapayapaan ng lahat,” mensahe pa niya.

At sa tanong kung kumusta na ngayon ang lagay ng kanyang puso, “Okay naman. Kailangan mo siyang ingatan. Ako kasi, ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-i-stay sa isang lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagmu-move forward ako agad. Kasi kung mag-i-stay ako sa isang lugar, lulugmokin ko lang sarili ko,” diin pa ni Skusta Clee.

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending