Zeinab Harake magiging 'choosy' na sa pagpili ng dyowa; Rhea Tan nakahanap ng bagong 'baby' Bandera

Zeinab Harake magiging ‘choosy’ na sa pagpili ng dyowa; Rhea Tan nakahanap ng bagong ‘baby’

Ervin Santiago |August 07,2022
share this

Zeinab Harake magiging ‘choosy’ na sa pagpili ng dyowa; Rhea Tan nakahanap ng bagong ‘baby’

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 03:37 PM

Rhea Anicoche Tan at Zeinab Harake

KUNG may isa kaming hinahangaang female vlogger ngayon, yan ay walang iba kundi ang sikat na sikat at very controversial na si Zeinab Harake.

In fairness kasi sa maganda ay super seksing YouTuber at single mother, totoong-totoo ang personalidad niya at walang kaplastikan kahit sa harap ng mga camera.

Bilib din kami sa tapang at paninindigan niya na sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaanan niya ay nananatili pa rin siyang palaban sa buhay at hindi basta-basta sumusuko.

Tanggap na rin niya na hindi pa ito ang tamang panahon para sa pagdating ng kanyang “Mr. Right” na nakatadha na maging “forever” niya in the future.

Sabi ni Zeinab sa isang panayam, mas pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang anak at ang pagtatrabaho para sa kanilang future. Hindi raw muna niya isasama sa mga top priorities niya ang magkadyowa.

Tama naman ang desisyon ni Zeinab na atupagin muna ang career bilang isang certified internet star na may more than 50 million na followers across platforms tulad ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at YouTube.

Itinuturing siya ngayong isa sa pinaka-influential social media personality hi di lang sa Pilipinas kundi sa buong universe rin.

Sabi ni Zeinab sa isang interview nang matanong tungkol sa kanyang pagmu-move on mula sa controversial heartbreak, “Magsisimula na ako ng bagong buhay. Kailangan kong itapon yung trauma.

“Magmamahal lang ako kapag deserve nu’ng tao yung pagmamahal ko. Hindi ko ibibigay lahat, kasi kawawa ako sa dulo. Ayoko maging kagaya ko si Bia (anak niya), yung mabilis magpatawad at madaling mauto,” sey ng vlogger.

Samantala, isa pang blessing ang dumating kay Zeinab ngayong 2022 — ang pagiging brand ambassador ng bagong produkto ng Beautéderm Corporation.

Sinisimulan ng matagumpay na kumpanya ni Rhea Anicoche-Tan ang month-long 13th anniversary celebration nito sa opisyal na launch ni Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.

Dahil ito ay developed, tested, at manufactured sa Japan, ang KO-REI-SU ay kumbinasyon ng mga Nihongo na salita na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

Layunin ng Beautéderm na gawing isang top tier oral hygiene essential ang Koreisu Family Toothpaste dahil ito ay fluoride-free at triclosan-free na mayroong very minimal ingredients na dahilan kung bakit ito ligtas gamitin at epektibo para sa buong pamilya.

Bilang isang batang artista, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak sa kanya ang bagong “baby” ni Ms. Rhea Tan.

“Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong pinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating mag-sipilyo tatlong beses sa isang araw.

“Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nung sinalubong nila ako,” sabi ni Zeinab.

“Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang -iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginagamit ko dati,” ani Zeinab.

At siyempre, excited din si Ms. Rhea na makasama si Zeinab sa lumalaking pamilya ng kanyang korporasyon, “Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na merkado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms.

“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador,” aniya pa.

Si Zeinab naman ay di na makapaghintay sa mga one-of-a-kind adventures kasama ang kanyang bagong pamilya, “Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo.”

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending