Si Marian Rivera ang number one budol ng buhay ko...at love na love niya ako! — Rhea Tan Bandera

Si Marian Rivera ang number one budol ng buhay ko…at love na love niya ako! — Rhea Tan

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Si Marian Rivera ang number one budol ng buhay ko…at love na love niya ako! — Rhea Tan

Ervin Santiago May 25, 2022 - 08:17 AM

Rhea Anicoche Tan at Marian Rivera

HINDI lang basta endorser ang turing ng matagumpay na entrepreneur na si Rhea Anicoche Tan sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Mas malalim na ngayon ang relasyon ng dalawang superwoman base na rin sa mga naging pahayag nila sa muling pagharap nila sa mga miyembro ng entertainment media kahapon.

Ito’y para sa muling pagpirma ng misis ni Dingdong Dantes bilang brand ambassador ng Beautederm Home. Apat na taon nang namamayagpag si Marian bilang endorser ng kumpanya ni Rhea Tan.

Sa engrandeng pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan, idinaraos ng Beautéderm Home ang pagmarka nito ng isang bagong milestone sa pag-commemorate ng pormal na renewal ni Marian bilang opisyal na brand ambassador nito for another 30 months

“Napakatotoong friend ni Yanyan. Siya iyong uri ng friend na napaka-loyal, ipaglalaban ka niya,” papuri ni Ms. Rhea kay Marian.

Reaksyon naman ng Kapuso star, “Si Ate Rhea hindi naman hindi instant na naging close kami eh. Gradual na nangyari iyan siguro kasi palagi kaming nag-uusap.

“Noong una, about product lang pero after niyon, iba-iba na ang pinag-uusapan namin, about shopping na, family na. So, lumalim na nang lumalim,” ani Marian.

Patuloy pa niya, “And bilang tao, mararamdaman ninyo iyan kung sincere iyong tao sa inyo. So, naramdaman ko lahat iyon kay Ate Rhea kaya siguro hindi naging mahirap para sa amin na magkalapit ang loob namin hanggang ngayon.”

Inamin naman ng magkaibigan at partners in business, na nagkaroon na rin sila ng tampuhan. Sey ni Marian, “Pero hindi iyong sobrang lalim na to the point na mag-aaway na. Hindi siguro mangyayari iyon sa amin.


“Tulad ng sabi niya pareho kami ng ugali, we are very transparent to each other, ang pamilya ang priority namin at love namin. At kapag nakita namin na mahal kami ng ibang tao, mas mamahalin namin kayo. Parehas kaming dalawa na ganoon,” pahayag ng celebrity mom.

Dagdag naman ni Rhea, talagang may special bonding na sila ni Marian, lalo na ang pagkahilig nila sa pagsa-shopping. Ano nga ba ang madalas nilang binibili?

“Wag na nating banggitin. Sabihin na lang natin na everytime may new collection hindi pwedeng hindi kami mag-D-DM (direct message) sa isa’t isa,” sey ni Marian.

“Si Ate very supportive ‘yan kay Flora Vida (flower shop business niya). Marami eh, marami kaming pinag-uusapan. Shopping, kung anu-ano, family and the relationship, and ofcourse ‘yung bibilhing products. Marami kaming pinag-uusapan at marami pa kaming gustong gawin,” dagdag pa niya.

Samantala, si Marian pa rin ang maituturing na pinakasikat na brand ambassador ng Beautederm na apat na taon na ngayong 2022. Nagtatanong ba si Rhea kay Marian kung sinu-sino ang mga celebrities na pwedeng idagdag sa kanilang “family”?

“Ang nangyari kasi naging malalim na. Kapag nagkukuwentuhan kami, ‘bunso okey ba si ganito?’ Bilang matagal na rin naman siya sa industriya.

“Hindi na ako nahihiyang lapitan siya para magtanong ng kung ano-ano lang. Dapat nga parehas kami ng damit kaya lang baka pagsayawin ninyo kami. Pati iyon pinaplano namin. Sapatos na cute. Ano po siya, number one budol ng buhay ko.

“Siyempre kapag sinabi ni Marian, ‘ang ganda sa yo niyan’, bibilhin ko.  Ha-hahaha! So parang si Yanyan parang naging pamilya ko na naa-apreciate ko so, so, much. Mga kaibigan na na-earn ko sa negosyo ko hindi lang sila basta-basta endorser ko, kundi pamilya na,” sey ng presidente ng Beautederm.

Tumaas na rin ba ang talent fee ng Primetime Queen ng GMA sa muli niyang pagpirma ng kontrata? “Ano siyempre Marian Rivera ‘yan pero dahil love niya ako binibigyan niya ako ng kaibigang…” ang biting chika pa ni Ms. Rhea.

“Hindi kaibigan yan, mataas na rin ‘yon,” hirit naman ni Marian.

“At saka lagi ko namang sinasabi na parang nakadikit na iyong pangalan ko kay Marian. Parang kinikilig ka na kapag sinabing Beautederm Home kasi tinatanong siya lagi ng tao. At saka simula nang magkaroon ako ng Marian, yumaman ako, charing. Totoo iyon, iba talaga ang Marian!

“‘Di ba kung hindi bakit kinukuha ng malalaking kompanya si Marian? Nagtutulungan kayo, kinuha ko siyang endorser at the same time tutulungan ka niya na makilala ang brand mo.

“Hindi iyong kinuha mo lang siya para sa pangalan tapos wala na. So, ginagawa niya ang trabaho niya as my endorser. Achievement ‘yon sa part niya na tinatanong niya at nagbibigay siya ng idea.

“Tinatanong din niya ang sales, may concern siya sa produkto at sa kompanya. ‘Yan ang isang klase ng endorser na dapat kunin ng iba pang malalaking kompanya,” pahayag pa niya patungkol kay Marian na unang naging endorser noong 2018 na inilunsad ang brand na Reverie, isang exquisite line ng mga home scent. Ito iyong mga soy candle at air purifier gayundin ang mga room at linen sprays.

Ang Reverie ay play of words sa pangalan ni Rhea Anicoche-Tan o Rei at ng pangalan ni Marian noong dalaga pa siya at ang konsepto ng gustong ipadama ng brand sa mga user nito – ang marelaks habang tinatamasa ang kakaiba at matatamis na mga amoy ng pag-ibig.

Ngayong 2022, level-up ang Beautéderm Home sa pag-introduce nito sa mga brand-new at essential na mga produkto na ‘di lamang magpapabango sa bawat tahanan ngunit poprotektahan din tayo sa mga germ, bacteria, at viruses.

“Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa kanila at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko,” ani Marian. “We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.”

Ayon naman kay Rhea, “Isa siya sa pinaka-propesyonal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with us. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya.”

Jelai Andres biktima rin ng pambu-bully, sinampal ng kaklase; pinuri ni Rhea Tan bilang epektib na endorser

Sylvia kasama ang dancer na anak sa bagong project; Inigo may bagong pampa-good vibes

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending