Bea Alonzo ‘official resident’ na ng Spain

Bea Alonzo ‘official resident’ na ng Spain, proud na ibinandera ang bagong business venture

Pauline del Rosario |November 06,2023
facebook
share this

Bea Alonzo ‘official resident’ na ng Spain, proud na ibinandera ang bagong business venture

Pauline del Rosario - November 06, 2023 - 04:28 PM

Bea Alonzo ‘official resident’ na ng Spain, proud na ibinandera ang bagong business venture

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

ISA nang opisyal na residente ng Spain ang award-winning actress na si Bea Alonzo!

‘Yan ang excited na ibinalita mismo ni Bea sa kanyang YouTube vlog recently bago ang kanyang Europe trip kasama ang kanyang fiancé na si Dominic Roque.

Chika ni Bea, three weeks silang magbabakasyon ni Dom kung saan lilibutin nila ang iba’t-ibang lugar sa Italy, Switzerland at Spain.

“I’ll be in Europe for 20 days. So it’s a long one. We will go to Milan, to Lake Como, and then we’ll also go to Lugano, we’re going to Florence, Tuscany and then going back to Madrid,” sey ng aktres sa vlog.

Dagdag pa niya, “Ano pala, life update, makukuha ko na ‘yung residency card ko. Yey! So I will be an official resident of Spain. So it’s truly an important trip for both Dom and I.”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nabili ang sariling bahay sa Spain sa halagang P30-M; nagetsing na ang Golden Visa

Bukod diyan, sinabi rin ni Bea na ito ang kauna-unahang pagkakataon na matitirhan na niya ang bahay na nabili niya sa Spain.

“Ito rin ang unang beses na makakatira ako sa bahay ko sa Madrid. Sana magawa ko ang house tour kung mabubudol natin si Dom to shoot me,” ani niya.

Kung maaalala, nabigyan ang aktres ng Golden Visa o Spanish Government Residency by Investment (RBI) program matapos makabili ng isang apartment na nagkakahalaga ng 500,000 euros o P30 million sa Madrid, Spain.

Para sa kaalaman ng marami, ang nakuhang Golden Visa ni Bea ay nangangahulugang siya’y isa nang legal resident ng nasabing bansa.

Isa sa mga benepisyo nito ay ang pagiging visa-free kapag nag-travel sa Schengen area ng European Union.

Kasabay ng kanyang life update, proud na inanunsyo ni Bea ang kanyang bagong business venture.

Sabi ni Bea, espesyal ito sa kanya dahil dito ipinapakita ang hilig niya sa pag-travel at kung gaano siya ka-organize sa gamit.

“This project is really special to me because this will show a different facet of myself as an entrepreneur,” saad ni Bea.

Patuloy niya, “It’s something that I really am passionate about – organizing, and then traveling.”

At habang ipinapakita nga niya ang mga dadalhin sa kanyang Europe trip ay ibinandera na ni Bea ang iba’t-ibang packing cubes at organizers na negosyo niya.

Makikita ang iba’t-ibang sizes ng pouch mula sa lalagyanan niya ng mga sapatos, damit, makeup, toiletries, at marami pang iba.

“These are the packing cubes and organizers that I’ve been working on. So I will be releasing it very soon. But naisip ko na magandang ipakita ko sa inyo how to use them and how proud I am of them,” chika ng award-winning actress.

Paliwanag niya, “Ayoko talaga ng chaos. Masyado ng chaotic ang mundo. Dapat ‘yung mga things that you can control, pwede mo siyang ayusin, pwede mo siyang gawing organized.”

“Marami siyang laman, pero hindi siya mukhang maraming laman at hindi siya nag-uumapaw. So that’s what I love about our products,” pagpapakilala pa niya sa kanyang business.

Nilinaw rin niya na hindi pa niya ito ibinebenta dahil nasa trial stage pa raw ito at nais niyang siguraduhin na may kalidad ang kanyang mga produkto bago niya ilabas sa merkado.

“So right now, I’m using them for some R&D (research and development) just so I can make sure that ‘yung mga products na makukuha niyo from our company will be the best ones you can ever have,” aniya.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lovelife hugot ni Andrea: ‘Kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin…ganoon ko siya kamahal’

Robin muling nakasama si Mariel, 2 anak sa Spain; susulitin ang bakasyon bago sumabak sa senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending