Robin muling nakasama si Mariel, 2 anak sa Spain; susulitin ang bakasyon bago sumabak sa senado Bandera

Robin muling nakasama si Mariel, 2 anak sa Spain; susulitin ang bakasyon bago sumabak sa senado

Reggee Bonoan |May 25,2022
share this

Robin muling nakasama si Mariel, 2 anak sa Spain; susulitin ang bakasyon bago sumabak sa senado

Reggee Bonoan May 25, 2022 - 03:57 PM

Mariel Rodriguez, Robin Padilla, Isabella at Gabriella Padilla

“HOLA, we are complete!” Ito ang caption ni Mariel Rodriguez-Padilla sa larawang kasama ang asawang si Senator-elect Robin Padilla at dalawang anak na sina Isabella at Gabriella.

Sumunod ang actor-politician sa kanyang mag-iina nitong maghahatinggabi gabi sa Spain.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA na pagkatapos ng eleksyon noong May 9 ay lumipad na kinagabihan si Mariel kasama ang dalawang anak at grandparents na sina Ginoong Rafael at Gng. May Sazon patungong Spain para sa isang buwang bakasyon.

Ayon pa sa misis ni Binoe, matagal na niyang nabili ang tickets, more than a year na at kailangan na itong gamitin.

Pagdating ni Robin sa Spain ay kitang-kita kung gaano kasaya ang dalawang tsikiting nang makita siya at makasama dahil ilang buwan din siyang hindi nasolo nina Isabella at Gabriella dahil nga sa pangangampanya niya.

Sinamantala na rin ito ni Binoe na magbakasyon kasama ang mag-iina bago siya magsimula sa bago nitong trabaho bilang mambabatas sa Hunyo 30.

Matatandaang hindi pa noon kumakandidato si Robin ay nabanggit na niya na pagkatapos ng pandemya at mag-open na ang ibang bansa para sa mga turista ay magbabakasyon silang mag-anak at nangyari na nga plus bonus pa dahil nanalo siyang bilang number one senator.


Nabanggit din ng tatay nina Isabella at Gabriella na kung sakaling palarin siya sa senado ay hindi siya mawawalan ng oras para sa mga anak at asawa niya kaya siguro niya pansamantalang iiwan ang showbiz para sa pamilya.

Sakto rin ang pagdating nito dahil nag-celebrate ng 77th birthday ang Lola May Sazon ni Mariel na alam naman ng lahat na gustung-gusto si Robin ng grandparents.

Ang caption ni Mariel sa mga cute na larawan ng lola May niya, “Happy birthday sa Lola kong diabetic, may vertigo, may anxiety, may gout, may kung ano ano but despite all that has a very sharp memory, is happy, can cook with her eyes closed, beautiful and most of all ang lola kong outfitera. Lola is still very strong… she is 77. Her secret? Click the link on my bio.”

Robin miss na miss na ang 2 anak; hindi kinain ang ‘half-cooked red meat’

Mariel ikinumpara kay VP Leni ang pagiging ulirang ina: Daig ko pa ang Aegis na basang-basa sa ulan!

Mga Muslim nagpiyesta sa pangunguna ni Robin sa bilangan; Mariel, 2 anak biglang umalis sa Pinas…anyare?

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending