Coco bumawi kay Julia matapos mag-trending ang love scene nila ni Ivana sa Batang Quiapo; nag-date sa Italy | Bandera

Coco bumawi kay Julia matapos mag-trending ang love scene nila ni Ivana sa Batang Quiapo; nag-date sa Italy

Reggee Bonoan |November 13,2023
facebook
share this

Coco bumawi kay Julia matapos mag-trending ang love scene nila ni Ivana sa Batang Quiapo; nag-date sa Italy

Reggee Bonoan - November 13, 2023 - 03:18 PM

Coco bumawi kay Julia matapos mag-trending ang love scene nila ni Ivana sa Batang Quiapo; nag-date sa Italy

Coco Martin, Julia Montes at Ivana Alawi

ILANG araw na ang nakararaan mula nang ipalabas ang maaaksyong  pakikipagbakbakan nina Coco Martin at Ivana Alawi sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo“.

Ito’y matapos ngang maglabas ang ABS-CBN ng isang special trailer ng serye na nakakuha ng isang milyong views sa loob lamang ng 24 oras.

Naging talk of the town ang tandem nina Tanggol at Bubbles (Coco at Ivana) dahil sa chemistry nila kaya naman trending na naman gabi-gabi ang “BQ.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Bukod sa maaaksyon at mga buwis-buhay nilang mga eksena, isa pang mainit na pinag-uusapan ng mga viewers ay ang dream sequence love scene nina Tanggol at Bubbles sa loob ng kulungan na talagang nag-trending ng ilang araw.

Baka Bet Mo: Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Ito ang dahilan kung bakit may mga haka-haka na kaya raw biglang niyaya ni Coco ang kanyang partner na si Julia Montes patungong Rome, Italy ay para bumawi.

Ito’y dahil nga sobra siyang naging busy sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” at ang aktres naman ay naging busy din sa promo ng pelikulang “Five Break-Ups and A Romance” nila ni Alden Richards na ngayon ay malapit nang umabot sa mag-P100 million ang kita.

Going back to Coco and Ivana’s love scene, marami ang nagsabing maganda ang chemistry nila at sana ay mauwi rin sa pelikula ang kanilang tambalan.

For sure nabasa ito ng aktor-direktor at producer at malamang ay nag-iisip na ito kung ano pa ang pwede nilang gawing project ni Ivana.

Samantala, sa inilabas ngang video ng ABS-CBN ay makikitang mabusising ginagabayan ni Coco ang kanyang mga co-star at ang mga stunt at camera director, at ipinakita rin kung paano niya inaalalayan si Ivana sa kanilang matinding fight scenes.

“Hinahanap na ng katawan namin ‘yung big scenes. Feeling ko ‘pag normal lang ‘yung eksena, parang naliliitan ako masyado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Nasanay na kami sa maraming tao, maraming crowd, sa magulong environment. Gusto namin ipakita ‘yung totoo,” kwento ni Coco tungkol sa kanyang pagkasabik na makagawa ng malalaking mga eksena tampok ang bigating mga karakter sa serye sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz pinag-iisipan pa kung tatanggapin ang offer ni Coco na maging kapatid ni Joel Lamangan sa ‘Batang Quiapo’

Ibinahagi rin ni Ivana kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng tinuturo ni Coco sa kanya lalo na’t ito ang unang sabak niya sa isang action series. “Kapag may mali ako, kunwari hindi ko siya nagagawa ng tama, sasabihan ako agad ni Coco,” sabi niya.

Dapat abangan ng mga manonood ang umaatikabong ratratan sa “quantum event” sa mga susunod na episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan magku-krus na ang landas ng lahat ng mga karakter. Kabilang dito ang pasabog na engkwentro nina Ramon at Rigor (Christopher De Leon at John Estrada), pati nina Tanggol, Chief Espinas (Coco at Jaclyn Jose), at Rigor, ang makapigil-hiningang police chase nina Tanggol at Bubbles (Ivana), at ang emosyonal na paghaharap nina Tindeng at Mokang (Charo Santos at Lovi Poe).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangibabaw din ang FPJ’s Batang Quiapo sa katapat nitong programa sa national TV ratings para sa primetime TV na may 24.4% noong Lunes (Nobyembre 6), sakop ang urban at rural homes, ayon sa datos ng Kantar Media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending