Coco, Ivana bumigay sa laplapan at love scene, ganti nga ba kina Julia at Alden? | Bandera

Coco, Ivana bumigay sa laplapan at love scene, ganti nga ba kina Julia at Alden?

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Coco, Ivana bumigay sa laplapan at love scene, ganti nga ba kina Julia at Alden?

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:38 AM

Coco, Ivana game na game sa laplapan at love scene, ganti nga ba kina Julia at Alden?

Ivana Alawi at Coco Martin

“GUMANTI” nga ba ang Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin sa umaatikabong laplapan at love scene nina Julia Montes at Alden Richards sa pelikulang “Five Break-Ups and a Romance”?

Nakakaloka ang napanood naming pasabog na trailer ng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco at ng bago niyang leading lady na si Ivana Alawi.

Bukod sa mga buwis-buhay at pamatay na action scenes, siguradong pag-uusapan din nang bonggang-bongga ang halikan at sex scenes nina Coco at Ivana sa mga susunod na episode ng “Batang Quiapo”.

Magsisimula na ngayong gabi, November 6, ang panibagong yugto ng serye at mapapanood nga sa bagong trailer na naka-post sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment, ang mga dapat abangan ng mga viewers all over the universe.

Tama nga ang sinabi ni Coco sa Kapuso action-drama prince na si Ruru Madrid nang magkita at magkausap sila na paghahandaaan ng buong production ang pagsisimula ng bago nilang katapat, ang “Black Rider” sa GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Una nang nagkabanggan sina Coco at Ruru noon nang magtapat naman sa ere nang halos isang taon ang “Lolong” ng GMA at ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ng GMA 7.

Baka Bet Mo: Jerald, Kim grabe ang love scenes sa bagong movie: Laplapan kung laplapan talaga!

Samantala, ikinagulat naman ng mga netizens ang napanood nilang laplapan at bed scenes nina Coco at Ivana sa trailer ng “Batang Quiapo” bilang sina Tanggol at Bubbles.

Pagkatapos nga nilang makipagbakbakan at makipagbarilan sa mga pulis habang tumatakas ay napadpad sila sa isang probinsya kung saan sila pansamantalang mananatili.

At sa isang bahagi nga ng trailer ay makikita ang mga intimate scenes nina Coco at Ivana na akala mo’y sabik na sabik talaga sa pagmamahal ng isa’t isa. Pareho kasing palaban sa love scenes ang dalawa.

Ayon sa isang nagkomento, parang gumanti raw si Coco sa kanyang partner na si Julia Montes na game na game ring nakipaghalikan at love scene kay Alden Richards sa “Five Breakups and a Romance”.

Narito ang mga comments na nabasa namin sa social media.

Baka Bet Mo: Alden Richards, Julia Montes matindi ang ‘laplapan’ scene sa ‘Five Break-ups and a Romance’, Direk Antoinette Jadaone nagulantang

“Ang sarap… Ay este magaling pala.”

“TANGGOL AND BUBBLES FOR THE WIN!”

“Iba ka talaga Coco Martin, tanggol.”

“Sinulit si Ivana sa bakbakan hahaha.”

“Wow im so excited to watch the new chapter. Ang galing mo tanggol wt bubles im sure mataas na naman rating.”

“Sinulit naman ni Coco si Ivana sa bakbakan hahahaha.”

“Wow kagaling ni bubbles @ivanaalawi grabe…pangarap nya talaga yan na maka partner c tanggol.”

“Grabi walang paglagyan sa sobrang ganda pang Hollywood sa action.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending