Kiligin, umiyak, maki-relate sa ‘Five Breakups and A Romance’ nina Julia Montes, Alden Richards
MASASAKSIHAN na sa mga sinehan ang first-ever tambalan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at Kapamilya actress na si Julia Montes!
Mapapanood na kasi sa mga sinehan ang romantic-drama film nila na may titulong “Five Break-Ups And A Romance.”
Ang pelikula ay isinulat at mula sa direksyon ni Irene Emma Villamor na siya ring nasa likod ng mga pelikulang “Sid & Aya,” “Meet Me in St. Gallen,” “On Vodka, Beers, and Regrets,” at “Ulan.”
Ayon kay Direk Irene, ang bagong pelikula ay tungkol sa complications ng pakikipagrelasyon in terms of breakups, arguments, misunderstandings at marami pang iba.
Ang karakter dito ni Alden ay bilang si “Lance,” habang si Julia naman ang gaganap sa karakter ni “Justine.”
Nauna nang sinabi ni Alden sa isang press conference na tiyak na makaka-relate ang maraming tao sa movie nila ni Julia.
“So what we want the audience to see, especially who are in a relationship, and who were in a relationship na, ‘Ay! Nangyari sa amin ‘to.’ ‘Ay! Ako ‘to ngayon’,” sey niya.
Dagdag pa niya, “So hopefully with this movie, with characters ahh yun nga, parang gusto namin after sa sinehan, baka may mga exes na magkabalikan.”
“Or may mga magkarelasyong magkaaway at that moment na ma-realize nila na, ‘Text ko nga yung partner ko para ayusin namin ‘to. Because at the end of the day it’s always about love, di ba? Love is a very complicated thing’,” pahayag pa ng binata.
View this post on Instagram
Ayon naman kay Julia, napakarami niyang natutunan habang ginagawa ang movie nila ni Alden, hindi lang bilang aktres kundi bilang isang babae.
“Ito ang pelikulang bumago sa akin, nagturo sa akin na mas lalong maging matapang at nagpa-realize sa akin ng importansya ng pagmamahal, pagpapatawad at pagmamahal ng paulit-ulit,” aniya.
Ang “Five Break-ups and a Romance” ay first collaboration ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, MYRIAD Corporation nag pagmamay-ari ni Alden, at distributed by Axinite Digicinema.
Related Chika:
Pia Wurtzbach ready nang ilabas ang isinulat na libro, may mga pasabog nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.