Julia Montes may bonggang pasabog bukas: 'Prepping for a very SPECIAL day!' | Bandera

Julia Montes may bonggang pasabog bukas: ‘Prepping for a very SPECIAL day!’

Reggee Bonoan |April 09,2023
facebook
share this

Julia Montes may bonggang pasabog bukas: ‘Prepping for a very SPECIAL day!’

Reggee Bonoan - April 09, 2023 - 07:46 PM

Julia Montes may bonggang pasabog bukas: 'Prepping for a very SPECIAL day!'

Julia Montes at Coco Martin

ISA kami sa na-curious kung tungkol saan ang post ni Julia Montes sa kanyang Instagram account kaninang hapon na may caption na, “Prepping for a very SPECIAL day tomorrow.”

Sinundan pa niya ito ng mensaheng, “Thank you my @avignonclinic family for taking care of me done with my treatment earlier … this is it!”

Bukas ay Lunes, Abril 10 at bakit special ang araw na ito para sa aktres? Isa-isa naming binasa ang mga komento sa post niya at halos lahat ay puro heart emojis ang reaksyon ng kanyang followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


Ito na kaya ang takdang araw na hinihintay ng lahat tungkol kay Julia at sa rumored partner niyang si Coco Martin?

Naisip lang namin ito dahil first time mag-post ng “very special day” si Julia kaya kung anuman ito ay posibleng tungkol ito sa personal niyang buhay.

Baka Bet Mo: Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Nagpaganda pa siya kaya ang tanong ng maraki, may big announcement kaya sila ni Coco bukas? Pero, pwede rin namang tungkol ito sa bago niyang project or endorsement.

Nagpadala kami ng mensahe sa isang taga-Cornerstone Entertainment na humahawak sa career ni Julia. Tinanong namin kung tungkol saan ang post ng aktres, pero hindi pa kami sinasagot.

Anyway, abangan na lang natin kung anong mayroon bukas, at bakit SPECIAL DAY ito para kay Julia.

* * *

Hindi na namin babanggitin kung anong pelikula at sinong aktres ang nilait-lait ng mga kakilala namin habang pinapanood  ang isa sa mga entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na nagsimula kahapon, Abril 8.

“Nakakabuwisit tong si ____ (aktres), walang bago sa acting. Buti pa ‘yung mga kasama niya may ibang ipinakita.  Mano-nominate ba ito?” tanong sa amin.

Sinabi namin na wala kaming planong panoorin ang pelikula dahil tiyak na hindi kami mag-e-enjoy at baka mabuwisit lang din kami.

Wala rin naman maaasahan sa aktres na ito kaya nakakapagtaka nga bakit may kumukuha pa sa kanya sa pelikula.

“E, malamang mura ang talent fee o pampadagdag lang siya. Ha-hahaha!” sagot sa amin.

Oo nga, puwedeng pampadagdag lang dahil sa pangalan niya, pero yung sinabing mura ang talent fee, parang hindi naman kami naniniwala dahil halos ayaw nga siyang kausapin ng mga producer dahil sobrang taas kung magturing na feeling kagaling-galing umarte.

Leon Barretto bukas sa pakikipag-ayos kay Dennis Padilla: I also miss my Dad but time heals all wounds

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes umaming super in love ngayon; ‘yes’ agad ang sagot kapag niyayang pakasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending